top of page

Salamat, Kobe paalam

  • Gerard Arce
  • Jan 28, 2020
  • 3 min read

Isang malagim na aksidente ang tumapos sa magandang legasiya ng legendary basketball superstar na si Kobe Bryant matapos mag-crash ang sinasakyan nitong helicopter kasama ang anak na si Gianna at pitong iba pa, Linggo ng gabi, (Lunes ng umaga sa Pilipinas) sa Calabasas, California sa U.S.

Bumibiyahe ang 41-anyos na si Bryant sakay ng pribadong helicopter nito nang pumutok ang makina at bumulusok mula sa maulap at mahamog na kondisyon ng lugar at saka ito sumabog at nagliyab pagbagsak sa burol ng Calabasas. Ayon sa awtoridad na si Los Angeles County Sheriff Alex Villanueva, siyam ang laman ng naturang helicopter, kabilang ang piloto nito, kasama ang Pamilya ni longtime baseball head coach at Orange Coast College John Altobelli, asawa nitong si Keri at anak na si Alyssa.

Idinagdag pa ni Villanueva na hindi pa nila makumpirma kung sino pa ang namatay hanggang hindi pa nakikilala lahat ng nasa loob ng helicopter. Kikilalanin pa ng mga kamag-anak ng mga nasawi ang iba pang napasama. Sinabi rin ng tanggapan ng coroner ng L.A. County, na ang pagsusumikap na makuha ang mga labi ay inaasahang tatagal ng ilang araw dahil sa kondisyon ng crash site at ang malayong lokasyon nito. Isinara na ng mga opisyal ang mga kalsada na patungo sa crash site dahil sa ilang mga pulutong ng bisita na nagpipilit makarating sa lugar. Sakay si Bryant at ang 8 iba pa ng Sikorsky S-76B na 1991 model at umalis ng John Wayne Airport bandang 9:06 ng Linggo ng umaga, nilibot pa umano nito ang Boyle Heights malapit sa Dodger Stadium at umikot pa umano sa Glendale.

Sinundan ito ng isang malagim na pagbagsak bago mag-alas-10 ng umaga malapit sa Las Virgenes Road at Willow Glen Street sa Calabasas. Inilahad ni L.A. County Fire Chief Daryl Osby na nakatanggap ang mga awtoridad ng isang tawag mula sa 911 bandang 9:47 ng umaga at hinanap agad ng mga bumbero ang pinagmulan ng pagsabog na sumunog din quarter-acre na matarik na lupain ng California. Kabilang sa mga sumaklolo ay ang 56 fire personnel na binubuo ng mga firefighters, isang helicopter na may paramedics, hand crews at sheriff’s deputies. “Our firefighters hiked into the accident site with their medical equipment and hose lines to extinguish the stubborn fire as it included the brush fire … and the helicopter,” pahayag ni Osby sa isang news conference, Linggo ng hapon. “The fire also included magnesium, which is very hard for firefighters to extinguish because magnesium reacts with oxygen and water,” dagdag nito.

Nakikipag-ugnayan na rin ang gumawa ng helikopter na Sikorsky sa mga awtoridad para mas malaman ang masusing imbestigasyon.

Ang five-time NBA champion at 1-time MVP ay naging malaking impluwensiya sa mundo ng basketball dahil sa pananaw nitong “Mamba Mentality” pagdating sa laro.

Nakapasok si Bryant ng 18 beses sa NBA All-Star mula 1998, 2000-2016 at hinirang na MVP nito ng 4-time. Miyembro rin siya ng prestihiyosong NBA First team ng 11-beses, 2-time sa second at third team. Siyam na beses na NBA All-defensive first team. Dalawang beses na scoring champion noong 2006 at 2007. Itinuturing na isa sa mga nanatiling manlalaro sa kanyang koponan na Lakers ng 20 seasons hanggang sa magretiro noong 2016 na may 5 championship title, 2 Finals MVP, isang season MVP at 2 gold medal sa Summer Olympics noong 2008 Atlanta at 2012 London.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page