top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Busmen PHL, patayan ang laro sa AFC vs. FC Tokyo

A. Servinio
Jan 28, 2020
2 min read

Ibubuhos ng Ceres Negros ng Pilipinas ang lahat kontra FC Tokyo ng Japan para sa karapatang makapasok sa group stage ng 2020 AFC Champions League ngayong gabi sa Ajinomoto Stadium. Sisipa ang aksiyon simula ng 6 p.m. oras dito sa Pilipinas subalit sasabak ang Busmen sa sinasabing pinakamalaking laban sa kanilang kasaysayan na wala ang isa sa kanilang pinakamalaking bituin.

Suspendido si kapitan Stephan Schrock matapos mabigyan ng kanyang pangalawang yellow card sa 1-0 na tagumpay sa Port FC ng Thailand noong nakaraang linggo. May naunang dilaw si Schrock galing sa 3-2 na panalo sa Shan United ng Myanmar noong Enero 14 sa Rizal Memorial Stadium.

Kahit wala si Schrock, ang nagtala ng nag-iisang goal kontra Port, gagawin ng mga kanyang kakampi ang makakaya nila na matakpan ang malaking puwang na maiiwan. Nariyan pa rin sina Bienvenido Maranon, Robert Lopez Mendy at OJ Porteria at mga dati at kasalukuyang Philippine Azkals sa pangunguna ni Manny Ott at goalkeeper Roland Muller.

Hindi birong kalaro ang FC Tokyo na nagtapos ng pangalawa sa 2019 J1 League, ang isa sa pinakamatatag at mahirap laruan na liga sa buong kontinente. Mga naglaro sa pambansang koponan ng Japan sina Masato Morishige at Sei Muroya ang angkla ng depensa at aasahan si forward Diego Oliveira ng Brazil na gumawa ng mga goal. Ang Japan ang ika-13 bansa na paglalaruan ng Ceres buhat noong tinatag ito noong 2012 kaya inaasahan na may dalang suwerte ang numero. Maaring sila na ang unang pumasok na kinatawan ng Pilipinas sa pinakamalaking torneo ng mga club sa Asya na kinabibilangan ng 52 koponan buhat sa 32 bansa. Laro ngayong Martes – Ajinomoto Stadium, Tokyo 6:00 FC Tokyo vs. Ceres Negros.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page