top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Beso-beso at shake hands, bawal dahil sa coronavirus

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 28, 2020
2 min read

Habang umuusad ang araw, patuloy naman sa pagtaas ang kaso ng namamatay sa novel coronavirus.

Umabot na sa 80 ang nasawi, habang nasa mahigit 2,000 naman ang iba pang tinamaan ng nasabing virus.

Ayon sa mga awtoridad, tumataas ang kakayahan ng virus na lumaganap nang mabilis kung saan umabot na rin ito sa iba pang panig ng mundo — Canada, France, US, Nepal, Thailand, Malaysia, Singapore, South Korea, Japan, Taiwan, Hong Kong, Macau, Vietnam at Australia.

At ang tanong pa rin ng marami, paano nga ba maiiwasan ang virus na ito? Bagama’t, walang direktang sagot, sa pinakahuling pahayag ng Department of Health (DOH), pinayuhan nito ang publiko na umiwas muna sa pagkain ng mga exotic food, kilawin o mga hilaw na karne.

Kung hindi maiwasang kumain ng karne, tiyaking matagal ang pagkakaluto para masiguro umanong patay ang mikrobyo.

Napag-alaman na marami nang sakit ang tao na nakukuha sa pagkain sa mga hayop — Severe Acute Respiratory Syndrome o SARS, African Swine Fever (ASF), Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus o MersCov at iba pa. Tinatawag umano itong zoonotic transmission.

Pinapayuhan din ang publiko na umiwas muna sa pagbebeso-beso at shake hands o pakikipagkamay. Gayunman, pinakamabisa umano ang pagkaway na lamang na senyales ng “Hello”.

Ipinaalala rin ang patuloy na pag-iwas sa taong may ubo, sipon, lagnat o iba pang sintomas na nagpapakita ng kahalintulad ng novel coronavirus.

Higit sa lahat, uminom ng maraming tubig at panatilihing basa ang lalamunan para makaiwas sa iba’t ibang uri ng virus.

Sa ngayon, wala talaga tayong ibang magagawa kundi ang sundin ang mga payong ito at magdasal na sana ay hindi na lumala ang sitwasyon.

Nakalulungkot na hindi pa tayo lubusang kumakalma sa pagsabog ng Bulkang Taal, heto at nakaalarma naman tayo sa coronavirus.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page