top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Anak ni Lotlot, tinarayan dahil sa banat kay Sen. Bong… Lolit, natuwa na 'di pumalag sa kanya si

  • Vinia Vivar
  • Jan 28, 2020
  • 3 min read

Ang bongga ng paghaharap ni Lotlot de Leon at ng veteran columnist-talent manager na si Lolit Solis kahapon sa contract signing ng aktres sa LDV Management ni Leo V. Dominguez.

Matatandaang nagkaroon ng issue ang anak ni Lotlot na si Janine Gutierrez kay ‘Nay Lolit nang “pitikin” ng kolum­nista ang young actress sa social media account nito dahil sa tweet nito against Sen. Bong Revilla, Jr..

Nag-tweet si Janine ng “Oh God” last December regarding Sen. Bong’s television comeback at siyempre, hindi ito nagustuhan ni ‘Nay Lolit bi­lang anak-­anakan niya ang aktor-pulitiko kaya naman medyo natarayan niya ang aktres sa Instagram.

To the rescue naman si Balot sa anak at nag-post din sa kanyang IG account ng encouraging words tanda ng pag­suporta niya rito.

Marami tuloy ang nag-akala na magkaaway sila pero sa pagkikita nila kahapon ay okay na okay sila at sey nga ni Lotlot, matagal na niyang kilala si ‘Nay Lolit at kina­lakihan na raw niya sa industriya.

“Ang liit ng mundo nating lahat, hindi naman para mag-away-away o ano. I think it’s but natural for everyone to give their opinions,” pahayag ni Balot.

Alam daw niya na out of malasakit lang kaya naka­pag­­salita nang ganu’n si ‘Nay Lolit.

At this point ay diretsahang tinanong ni ‘Nay Lolit si Lotlot.

“Itatanong ko lang sa ‘yo, Lot, bakit ganu’n ang fee­ling ni Janine about Bong Revilla?” tanong ni ‘Nay Lolit.

Sagot ni Balot, “I think, ‘Nay, you and Janine should sit down and talk. I don’t think it’s right for me also to speak on her behalf ‘coz she’s also a grown woman already. May sarili siyang opinyon, and I think also that because of social media, lahat naman po tayo nakakapagbigay ng opinyon, eh. Minsan hindi tama sa tenga ng ibang tao, minsan, mali, but we all have, I think, the right to say that, to say what we feel, to voice our opinion.

“So, siguro po, talagang pag-uusap lang. Kumbaga, kung medyo nasaktan nang konti or kung hindi naging ma­ganda ang dating, siguro it should be really personal, da­pat mapag-usapan ‘O, ba’t mo naman nasabi?’ or something like that. So that ma-clear po agad ‘yung whatever misunderstanding.”

Hindi naman daw niya puwedeng sabihan ang anak na huwag nang magbigay ng opinyon o huwag nang makisali sa pulitika dahil may sariling boses ito na ayaw niyang saklawan.

“I can give her advice, siyempre, alam naman ni Janine ang tama at mali rin. But she has the freedom to say what she feels is right, and I know that if she says something that may be taken against her, siguro naman, kaya rin niyang ipagtanggol ang opinyon niya, ‘di ba?

“Matalino naman ang anak ko, mabait din, hindi dahil sa anak ko siya, pero mabait ‘yung bata. I’m sure, hindi niya intensiyon na makasakit o may masa­bing may masasaktan na kung sinuman.

“But ‘yun na nga, minsan kasi, kung ano ‘yung tama sa akin, maaaring mali para sa ‘yo, ‘yung mali para sa ‘yo, ma­aaring tama para sa akin,” pahayag pa ni Lotlot.

Ayon naman kay ‘Nay Lolit, na-appreciate niya na hin­di sumagot si Janine sa kanya at sey ni Balot, hindi talaga sasagot ang anak niya.

Samantala, pumirma ng 3-year full management contract si Balot kay Leo at iisa na ang management nila ni Janine ngayon. Isa sa mga bagong projects niya ay ang IWant series na The Beauty Queens with Gloria Diaz kung saan ay guma­ga­nap siya bilang lesbian mula sa direksi­yon ni Joel Lamangan. She’s also part of the Filipino cast of Almost Paradise, an Electric Entertainment production headed by Dean Devlin. She recently filmed her scenes with American actor, Christian Kane.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page