top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Abangan: Mandaluyong Liberation Race Fest

Ding Taboy
Jan 28, 2020
1 min read

RENDA at LATIGO

Nakatakdang bitawan ang Mandaluyong Liberation Day Racing Festival sa Pebrero 16 sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas.

Tampok sa karera ang Menchie A. Abalos Road to Triple Crown Trophy Race. Ang karerang nabanggit ay bukas sa lahat ng 3-year old local horses na magdadala ng timbang na 54 sa mga lalaking mananakbo at 52 sa babaeng mananakbo.

May guaranteed prize na halagang P750,000 na hahatiin sa apat na puwesto. Kasabay nito magaganap din ang 2nd District Councilor trophy race na bukas sa lahat ng non-winner at non–placer na 3 year old ang lahat ng sasali sa karera na may guaranteed prize na P300,000 na hahatiin sa apat na premyo.

Ngayon pa lang marami na ang interesadong sumali sa karera at inaasahan na magiging masaya ang mga taga-Mandaluyong sa nalalapit na racing festival.

Samantala, binabati ko ang may-ari ng Indian Warrior at Perfect Time sa pagkakapanalo ng kabayo noong linggo na naghatid ng magandang dibidendo sa Trifecta, Quartet at Pentafecta.

Maganda ang ipinakitang panalo ng kabayong Sir Jason matapos talunin ang mga katunggaling Beyong D’Sea, Power Hook at Rosario Princess. Binabati ko rin ang may ari ng Oh Lala sa magandang ipinakita na nanalo sa laban na hindi nabigo ang mga nagtiwala sa kabayo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page