top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Padir ng anak, kahit ikinasal na sa iba… Bianca, ibinulgar na nag- "I Love You" pa rin sa

Julie Bonifacio
Jan 27, 2020
4 min read

Double celebration ang ipinang-imbita ni Bianca Lapus para sa pamilya at mga kaibigan niya last Sunday. It was the christening ng youngest child niyang si Ethan Lawrence sa Makati City, followed by a bonggang first birthday celebration ni Ethan na ginanap naman sa Makati Sports Club.

Labis-labis ang pasasalamat ni Bianca sa Panginoon sa buhay ni Ethan. Matindi kasi ang pinagdaanan niyang hirap dito simula pa lang sa pagbubuntis hanggang sa maipanganak ang bunso nila ng partner niyang si Jimmy Velasquez.

“Yes, he’s a premature baby,” pagko-confirm ni Bianca sa eksklusibo naming pakikipanayam sa kanya during the party.

Nang ipagbuntis niya si Ethan, nag­karoon pala ng preeclampsia si Bianca. Isa itong kondisyon during pregnancy where there is a sudden rise in blood pressure and swelling, mostly in the face, hands and feet. Very common complication daw ‘to na nangyayari sa buntis.

Saktong eight months lang din daw si Ethan nang ipanganak niya kaya nag-stay muna ang bagets sa nursery, habang sila naman ay kinailangang mag-rent ng isang condo unit para araw-araw niyang mabisita ang anak at ma-breastfeed.

Thankful siya sa OB-Gyne niya na si Dr. Villamor na nag-alaga at tumutok sa kanya during her pregnancy. Si Dr. Villamor ay isa sa mga hosts ng programang Pinoy MD.

“Ang forte niya talaga is high-risk pregnancy. So, talagang nagtiwala naman ako kahit na dumating ako sa punto na wala na akong nakikita. I was kind of blind for few days. Tapos iba na. Iba na ang pakiramdam ko. Nagsusulat na ako ng mga habilin. Kasi, sinabi talaga sa akin na, ‘You can have cardiac arrest. Puwede kang ma-comatose.’

“Talagang literal na ang kalahati ng paa mo, nasa hukay na. So, doon na ako sa point na nagsusulat na ako ng mga habilin sa mga anak ko, sa lahat. Nagre-record ako. Matapang talaga ako, ate. Hindi siya biro,” kuwento ni Bianca.

Three boys na pala ang anak nina Bianca at Jimmy — sina Exekiel Lawrence, Elijah Lawrence at pangatlo nga si Ethan Lawrence.

“Lahat sila, may Lawrence kasi si daddy nila, Jimmy Lawrence. Lugi ako, wala akong Bianca,” natatawang sabi ng aktres.

Bukod sa mga anak niya kay Jimmy, may nauna na siyang anak sa komedyante at host na si Vhong Navarro na si Isaiah or Ice.

Kahit wala pa siyang anak na babae, ayaw na raw ni Bianca na sundan si Ethan.

“Ayoko na, actually. Pero hindi pa ako nagpa-ligate. So, bahala na. Bahala na si Lord. Pero feeling ko, kung hindi talaga ako magkakaroon on my own (ng anak na babae), I’ll plan to adopt one day.”

May 15 taon nang nagsasama sina Bianca at Jimmy pero ‘di pa raw nila napag-uusapan ang kasal. Sakto namang lumapit sa amin si Jimmy kaya ipinasa ni Bianca ang tanong sa partner niya kung kailan sila magpapakasal.

“Another ano, two boys pa,” sagot ni Jimmy.

At biglang napasigaw si Bianca, “Waah! Ayoko na!”

“Hay, pinag-uusapan naman namin. Pero alam naman niya ‘yung pinagdaanan ko rin before. Siyempre, bata ako nag-asawa noon kay Vhong, so, nagka-annulment kami. Hindi siya talaga naging madali for me.”

Na-trauma ba siya sa wedding nila ni Vhong noon?

“Sabi nga nila, ‘di ba, ang babae more emotional. So, siguro mas medyo matagal lang akong mag-move on from the trauma. Na parang, ano kasi ako, eh, family-oriented. Parang nu’ng nag-fail, parang I really want na tumagal ‘yung ngayon ko. Forever na siya.”

Pero para sa kanya, si Jimmy na ang lalaking gusto niyang makasama habambuhay.

“Wala na akong ibang naiisip na puwedeng pakasalan. Magkasundung-magkasundo kami. Mahal niya ‘yung mga anak ko. Very hands-on din siya. ‘Yun talaga ang hinihingi ko (na qualities) na maka-partner.”

Dagdag pa niya, “Saka we’re friends. Hindi ko nga inakala na magkakatuluyan kami. Magbarkada kami. May girlfriend siya, may boyfriend ako. Kung kani-kanino ko pa siya ipina-date. Ang ending, nagka-develop-an kami.”

Now we know na mas nauna pa pala si Vhong magpakasal kesa kay Bianca. At ini-reveal ni Bianca na ‘di rin pala niya knows nu’ng una na magpapakasal na si Vhong.

“Actually, late na akong nasabihan. Kaya nu’ng sinabihan niya ako, actually, nagulat ako,” diin niya.

Nalaman lang daw niya na ikakasal si Vhong sa isang writer when she was asked kung ano ang reaksiyon niya na magpapakasal na ulit ito.

“Tinanong ko si Ice. Tapos tinanong ko rin si Vhong. Tapos ‘yun, medyo naging madrama ‘yung tsikahan namin ni Vhong but it was really nice. It was parang two good friends na nag-uusap na from our hearts talaga. Very sincere talaga na parang, ‘Masaya ako para sa ‘yo,’ sabi ko sa kanya. ‘Huwag mo nang i-miss ‘yung chance na magkaroon ng buong pamilya. Alagaan mo si Tanya,’ ganyan. Okey naman. Siya rin, ganyan. Tapos, nag-I love you kami sa isa’t isa.”

“Kasi sabi niya, parang ‘Mahal kita. Pero siyempre, ibang lebel na ngayon. Ito ay pagmamahal bilang kaibigan. And I sincerely want to wish you happiness.’ Tapos, sabi niyang ganu’n, ‘Mahal din kita bilang nanay ni Ice,’ ganyan. ‘Ikaw din sana.’ Idol daw niya kami ni Jimmy kasi tumagal kami. Okey na okey kami.”

Nagalit ba siya sa anak niyang si Ice dahil ‘di sinabi sa kanya na magpapakasal na si Vhong?

“Nag-sorry nga siya kasi they had to keep it a secret. Pero naiintindihan ko naman ang anak ko. Naiyak pa nga siya nu’ng nag-ano siya sa akin. Siyempre, he doesn’t want to keep secrets from me. But siyempre, inirerespeto rin niya ang desisyon ng daddy niya. So, ako, okey lang sa akin ‘yun. Kasi, at least, ang importante sa akin, napalaki ko ang mga anak ko na inirerespeto nila ang mga magulang nila.”

‘Yun na.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page