top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Nagselos sa sister dahil inupuan sa legs ng mister, sign na dapat ibalik ang mga dating nagustuhan n

  • Socrates Magnus
  • Jan 27, 2020
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni De Zha ng De_Zha_Ed@facebook. com

Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? Nakaupo ako at ‘yung kapatid kong babae, biglang lumapit ang mister ko sa kapatid ko at umupo sa legs ng kapatid ko na para bang may gusto ang mister ko sa kapatid ko, tapos nagalit ako at nag-walkout.

Naghihintay, De Zha

Sa iyo De Zha, Sa mundo ng panaginip, ang kapatid ay larawan din ng mismong nanaginip, kaya wala kang dapat ikabahala.

Narito ang ilang payo para sa iyo. Isabuhay mo ang lifestyle ng iyong kapatid, as in, kung ano ang nakikita mo sa kanya, ‘yun din ang gawin mo.

Sinasabi ng iyong panaginip na marami ka nang napabayaan na katangian mo na umakit sa mister mo noong kayo ay nagliligawan pa lang.

Ang mga ito ay taglay mo nang ikaw ay isinilang kaya lang, minsan, sa buhay ng tao, hindi na niya ito naipakikita kaya parang wala siyang mga ganu’ng katangian.

Ito ang pangkaraniwang dahilan kung bakit nababawasan ang love ng mister sa kanyang misis.

Ito rin minsan ang dahilan kung bakit si mister ay naghahanap ng iba kaya nagkakahiwalay ang mag-asawa.

Ngayong alam mo na, kumilos ka at sundin mo ang payo ng iyong panaginip, isabuhay mong muli ang magagandang katangian na ipinamana sa iyo ng inyong mga magulang.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page