top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kung ‘yung iba, hanggang weeksary lang... Mga tips para tumagal at maging matatag ang relasyon

Twincle Esquierdo
Jan 27, 2020
3 min read

Sa panahon ngayon, kahit weeksary ay ipinagdiriwang na dahil nauuwi lang sa hiwalayan ang ilang relasyon. Dahil dito, maraming heartbroken, lalo na ang mga millennial at Gen Z, ngunit paano natin ito maiiwasan?

Narito ang mga paraan para maiwasan natin ang mga ganitong pangyayari at para malaman natin ang totoong pagmamahal:

1. May time sa isa’t isa. Kahit busy ang mag-partner dahil may kani-kanyang trabaho, nawawalan ng oras sa romance at love-related matters. Sa ganitong sitwasyon, kailangan mo lang palawakin ang iyong pang-unawa kung bakit nagiging ganito ang inyong relasyon. Kung sino ang may maayos na schedule, maaaring siya ang gumawa ng paraan para makapag-usap o magkita kayo.

2. Tamang age gap. ‘Ika nga, age doesn’t matter at totoo na delayed mag-mature ang mga lalaki kaysa sa mga babae kaya karamihan sa mga magkasing-edad ay madalas na hindi nagkakaunawaan kaya nagkakahiwalay. Dahil dito, dapat ay mas matanda ang lalaki nang halos 3 hanggang 7 taon sa babae para sure na matured ang mag-partner. Awkward mang tingnan, why not give it a try?

3. Magandang background ng past relationship. Kailangan mo ring alamin ang kanyang past relationship para magkaroon ka ng ideya kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin sa iyong kapareha at para hindi masira ang inyong relasyon. Gayunman, alamin mo rin kung anong klase ng lifestyle ang meron siya nang sa gayun ay malaman mo kung nasa experimentation period o pagseseryoso kayo.

4. Nagkaroon ng magandang samahan. Hindi mawawala sa ating kultura ang ligawan. ‘Yung tipong liligawan ang babae hanggang sa sagutin nito ang lalaki at maging magkarelasyon na sila. Ngunit sa panahon ngayon, tila wala nang kahirap-hirap ang mga lalaki para makuha ang loob ng babae. Nag-uumpisa ang matagal na relasyon sa pagkakaroon ng magandang samahan hanggang sa magkadebelopan, dahil sa panliligaw, dito malalaman ng babae kung hanggang saan ang kayang gawin ng lalaki para sa kanya.

5. May pangarap. Sa magkarelasyon, dapat may pangarap kayo sa future ninyong dalawa. Kung walang pangarap ang isa sa inyo ay hindi magandang senyales ito. Dapat alam n’yo kung saang direksiyon patungo ang inyong relasyon kapag kayo ay ikinasal na o bumuo ng pamilya para sure na magiging maayos ang pamumuhay ninyo.

6. Pareho ang gusto. May kasabihan na opposites attract, pero may mga bagay din na pareho ninyong gusto kaya nagkakaunawaan kayo sa mga gagawin n'yo. Isa rin ito sa mga paraan upang hindi kayo magtalo o mag-away, ngunit ang pagkakaiba ay nakatutulong din naman upang masabi ang kani-kanyang opinyon o ideya.

7. May basbas o suporta ng mga magulang. Tanggap ng inyong mga magulang ang inyong relasyon kaya mas maluwag sa inyong kalooban dahil wala kayong itinatago. Mas magiging maayos ang inyong relasyon dahil maaari kayong humingi ng payo sa kanila kaya kung magkaroon man kayo ng problema at kailangan ng intervention ng malapit sa inyo, may tutulong, lalo na kung matindi ang away n'yo.

8. Nagmamahalan. Ito ang tanging susi para maging matatag at tumagal ang inyong relasyon kasabay ng pagiging matapat at may tiwala sa isa’t isa. Tandaan, ang lalaking kayang humawak ng relasyon ay kaya ring mag-handle ng pamilyang kanyang bubuuin.

Mga ka-BULGAR, sa relasyon, natural lang na may awayan, pero gawan ito ng paraan para maayos agad at hindi na lumala. Patibayin ninyo ang inyong commitment dahil dito magsisimula ang lahat. Kung may strong commitment kayo sa isa’t isa, siguradong hindi kayo basta-basta bibigay sa mga pagsubok na darating sa relasyon ninyo.

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page