Kaya umabot nang 3 yrs… Barbie, aminadong tinitiis lang ni Jak

Sa Iceland pala gustong magpunta ng magkarelasyong Barbie Forteza at Jak Roberto. Gusto raw nilang ma-witness ang Northern Lights kaya ito sa ngayon ang kanilang dream travel destination.
“Pero ipon pang konti,” natatawang sabi ni Barbie nang makatsikahan ng mga reporters sa presscon ng bago nilang serye ni Kate Valdez na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.
“Medyo Mahalia Mendez (mahal) ang Iceland,” dagdag niya.
Magta-tatlong taon na ang relasyon nina Jak at Barbie kaya naman natanong sila kung ano ang kanilang sikreto.
“Patience sa side niya,” natatawang sey niya.
“Saka communication, siyempre, dapat hindi mawala ‘yan. Kahit hindi kami nagkikita, araw-araw pa rin naman kaming magkausap. Ke video call ‘yan o tawag o text, nag-a-update pa rin naman kami sa isa’t isa.”
Kasama na rin daw dito ang trust at pagiging understanding sa schedule ng isa’t isa since hindi naman sila magkapareha.
“At saka, napakadaling kasama ni Jak. Wala siyang kahit na anong ere sa katawan,” aniya.
Dahil malapit na ang Valentine’s Day, natanong din ang aktres kung ano ang plano nila.
“Actually, last year kasi, we had the privilege to celebrate it properly dahil pareho naman kaming walang trabaho. Pero ngayon kasi, nataon na Friday ang Feb. 14, so, taping day po siya.
“Sadly, baka mai-celebrate namin siya before or after Valentine’s Day,” sabi ni Barbie.
When asked kung ano ang V-gift na gusto niyang matanggap from Jak na hindi pa naibibigay ng boyfriend, ani Barbie ay sapat na sa kanya ang mangako ito na hindi ito magbabago.
“His promise, I guess, to stay that way forever. Parang to stay the way he treats my family and me, ‘yung ganu’n, sana, hindi magbago,” sey ng aktres.
Kasama rin sa serye sina Dina Bonnevie, Snooky Serna, Migo Adecer at marami pang iba.





Comments