Jan. 10 sa Batangas, Jan. 25 sa Subic… Megan at Mikael, not once but twice ikinasal
- Nitz Miralles
- Jan 27, 2020
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Photo: @meganbata
Cover ng Metro Magazine ang bagong kasal na sina Mikael Daez at Megan Young-Daez. Tiyak na may photos din ito sa loob na kuha sa kanilang two weddings. Tama ang tsikang dalawang beses ikinasal sina Mikael at Megan at sa Caleruega sa Nasugbo, Batangas ang first wedding nila noong January 10.
Sa San Roque Church sa Subic ang second wedding last Saturday, Jan. 25 dahil dito lumaki ang magkakapatid na Young. Sa wedding sa Subic din nagkaroon ng reception at sa napanood naming video, there was a lot of dancing at may banda pang nag-provide ng music.
Dito rin ang first dance ng mga bagong kasal. Touching ang dance ni Megan with her mom at si Mikael with his mom. Hindi kami sure kung namayapa na ang ama ni Megan, pero si Mikael, wala na ang ama at may stepfather.
Happy ang lahat na sa kasal nagtapos ang nine years relationship nina Mikael at Megan.





Comments