Horoscope | Enero 27, 2020 (Lunes)
- Maestro Honorio Ong
- Jan 27, 2020
- 3 min read

Sa may kaarawan ngayong Enero 27, 2020 (Lunes): Nagsisimula ang mga araw na ikaw ay mabubuhay sa bagong mundo kung kailan puwede kang mamili kung ano ang landas ng buhay na iyong tatahakin.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ihanda mo ang iyong sarili sa malalaking tagumpay na nag-aabang sa iyo. Alisin mo ang iyong mga negatibong katangian nang sa gayun ay hindi pumunta sa iyo ang kabiguan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-17-20-27-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Itutulak ka ng iyong kapalaran na makipagsapalaran sa pagnenegosyo. Huwag kang matakot at mangamba dahil sa una ay mahihirapan ka, ngunit, sa huli, aangat nang husto ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-21-26-34-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Mabibilis ang mga kaganapan sa buhay mo ngayong taon. Dapat mabilis ka ring magpasya at bilisan mo rin ang pagkilos mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-17-24-28-33-38.
CANCER (June 21-July 22) - Sundin mo ang iyong damdamin, ito ang susi ng iyong kaligayahan. Huwag mong kalimutan na ang kaligayahan ay mula sa damdamin at hindi mula sa isipan na nangangatwiran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-18-28-30-31-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Paglago ng kabuhayan ang mapasasaiyo ngayong taon. Iwasan mo ang bisyo at anumang aktibidad na ang kabuhayan mo ay malalagay sa alanganin nang hindi ka magsisisi sa bandang huli. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-15-19-22-25-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makipagsapalaran ka ngayong taon, hindi ka dapat mamalagi nang mahina ang loob at takot na sumugod sa mga proyektong puwedeng-puwede kang yumaman nang todo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-16-24-36-41-46.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Panatilihin mong maganda at masigla ang iyong sarili ngayong taon dahil ang dalawang bagay na ito ay magsisilbing pampasuwerte at panghatak ng yaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-27-31-33-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Unahin mo ang kabuhayan kaysa sa iba pang aspeto ng iyong buhay. Kapag maganda ang takbo ng negosyo, mas mapabibilis ang iyong pag-asenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-11-17-26-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang matakot na makipagkaibigan sa mga bagong kakilala. Ang maraming tunay na kaibigan ay nagdadala sa tao sa harap ng maraming oportunidad. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-15-21-27-34-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang matakot sa maraming bukas, ang katakutan mo ay ang mga araw sa nakaraan na ikaw ay masyadong nasaktan. Harapin mo ang taong ito nang may positibong pananaw. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-19-20-28-33-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ikonsidera mo ang pag-a-abroad dahil ito ang magbibigay sa iyo ng suwerte. Ang pananatili sa lupang sinilangan ang magdudulot sa iyo ng sakit ng ulo at hirap ng kalooban. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-11-15-16-20-22.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Piliin mo ang mga kaibigan na iyong didikitan. Lumayo ka sa mga hindi totoong kaibigan na nakakasama mo lang sa pagsasaya, pero nawawala kapag may pangangailangan ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-14-16-20-24-38.
Valentines date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus
Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day?
Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!
Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.
Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 14, 9 AM to 12 NN sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.
So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!
Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 7, 2020 sa email add na:
datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!




Comments