Bagong model ng motor na swak sa traffic, inilabas na!
- Thea Janica Teh
- Jan 27, 2020
- 1 min read

Bulgarific
Hello, Bulgarians! Hanap n’yo ba ang convenient way para makapasok sa trabaho? ‘Yung puwede nating gawin para makaiwas sa araw-araw na heavy traffic? Pwes, ito na ang perfect para sa inyo!
Kamakailan, ibinida ng Honda Philippines, Inc. ang bagong motorsiklo at ito ay ang All-New Airblade150. Ang cutting edge sporty AT bike na may dalang bagong level of riding experience para sa mga young riders at young at heart!
Bagay na bagay ang AT bike na ito hindi lang para makaiwas sa heavy traffic kundi para rin sa joy ride around the city! Ito ay dahil sa cutting-edge sa sporty design, advanced technology at easy riding!
Hindi lang ‘yan, mayroon din itong 4.4 Li-fuel tank capacity at kayang bumiyahe ng 47km/Li-fuel. Mayroon din itong 150cc liquid-cooled SOHC engine para sa superior function. Ang AT Bike ay mayroon ding 22.7L U-Box na kasya ang helmet at iba pang personal na gamit!
Bukod pa rito, mayroon din itong Smart Key, Power Socket para sa recharging devices at smartphones at front-wheel Anti-locking Braking System (ABS).
Maraming choices pagdating sa kulay tulad ng Matte Galaxy Black Metallic, Candy Caribbean Blue Sea at Candy Ross Red. Magiging available ang All-New Airblade150 ngayong March 2020! Maaari nang magpa-reserve sa pinakamalapit na Honda dealers!
Para sa iba pang detalye, maaaring bisitahin ang kanilang Facebook page sa Honda Philippines, Inc. at Instagram page, @honda_mc.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments