top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mighty Sports, naka-2 na

  • Alvin Olivar
  • Jan 26, 2020
  • 1 min read

Nasungkit ng Mighty Sports Philippines ang kanilang pangalawang panalo sa 31st Dubai International Basketball Championship matapos talunin ang Al Ittihad of Aleppo, 77-72, kahapon sa Dubai.

Pinangunahan ni Andray Blatche ang Mighty Sports pagkaraang gumawa ng 28 points at 11 rebounds para masikwat ang 2-0 kartada sa torneo.

Nakakuha ng double-double si Renaldo Balkman matapos magtala ng 15 points at 10 rebounds para sa Mighty Sports.

Kumawala ang Mighty Sports matapos ang 17-0 run sa third quarter upang makalayo sa Al Ittihad. Nagtala ng 14 puntos na kalamangan ang Mighty

Sports para makuha ang 47-33 na abanse.

Mabagal ang naging simula ng Mighty Sports matapos lumamang ang Al Ittihad of Allepo ng apat na puntos, 23-19. Pagdating ng second quarter ay umangat ang Mighty Sports at pumasok sa halftime na may 42-32 na abanse.

Isa lamang ang naging dominante para sa Al Ittihad of Aleppo, isang koponan mula sa Syria, sa pagtala ng 30 points ni Aubrey Gene Coleman.

Magpapahinga ang Mighty Sports ng dalawang araw bago sumabak muli sa aksiyon sa Lunes kung saan makakaharap ng koponan ang ES Rades.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page