top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mga pasaway na Intsik, layas!

Editoryal
Jan 26, 2020
1 min read

Legal na droga, sex den, kidnap-for-ransom at iba pang kaso na kinasasangkutan ng mga Chinese na nasa Pilipinas — halos araw-araw ay may mga ganitong insidente.

Madalas ang binibiktima ay kapwa rin nila Chinese at ang motibo — pera. Tila hindi nila alam na may batas na umiiral sa Pilipinas na sumasakop sa lahat, hindi lang sa mga Pinoy kundi sa anumang lahi basta nakatapak sa ating teritoryo.

At bilang tugon, ang plano ng bagong pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ay maglagay ng mga Chinese Help Desk. Layon umano nitong matugunan ang pagdagsa ng mga krimen na kinasasangkutan ng mga Chinese, partikular ang kidnap-for-ransom.

Humirit din ito ng kooperasyon at partisipasyon mula sa mga Chinese sa pamamagitan ng kanilang embahada sa bansa.

Una na raw nagbigay ng inisyatibo ang Chinese government nang imbitahan ang mga miyembro ng PNP na magsanay sa China at pag-aralan kung paano ang kanilang mga ginagawang trabaho upang matunton ang mga sindikato.

Nauunawaan natin ang kagustuhang mapabilis ang paglutas sa mga krimen lalo’t ayon sa ulat ay tumaas ang insidente ng kidnapping na karamihan sa mga binibiktima ay mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na ang hawak lamang ay tourist visa at casino player na naglipana sa pasugalan na inorganisa ng China.

Pero, kung mangangahulugan ito ng mga bagong polisiya na hindi pa malinaw o dagdag-gastos na para bang tayo pa ang papasan sa mga pasaway na unang-unang ay hindi dapat nakakapasok sa bansa, baka puwedeng pag-aralan muna nang maigi.

At sa mga kapalmuks na dayuhan, kung hindi n’yo kayang respetuhin ang aming bayan at dito pa kayo gumagawa ng mga ilegal, mawalang-galang na po… magsilayas na kayo!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page