top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pilipinas, ginawang basurahan ng Canada dahil mismong mga opisyal, basurang bulok

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 25, 2020
2 min read

Naalala n’yo pa ba ‘yung mahigit 100 container vans ng basura na galing Canada na nakapasok sa bansa? Ito ‘yung tone-toneladang diapers, plastic bottles, plastic bags at kung anu-ano pang patapon na bagay na dumating noong 2013 at 2014.

Well, matapos ang siyam na buwan mula nang maibalik ang mga basura sa Canada, mukhang may mananagot na sa kontrobersiyang ito.

Napag-alaman na naisampa na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang kaso laban sa walong opisyal at kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Bureau of Customs (BOC) na isinasangkot sa ilegal na pagpasok ng nasabing mga basura — paglabag sa R.A. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at RA 6969 o Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Waste Control Act of 1990.

Nauna rito, nagsagawa umano ng imbestigasyon sa insidente at inalam kung sino ang mga responsable sa pagpasok ng tone-toneladang basura galing Canada. Lumabas na sangkot umano ang nasabing mga indibidwal sa pag-isyu ng import clearance para sa pagpasok ng scrap plastic materials sa kabila ng kabiguang maibigay ang mga impormasyon na hinihingi sa pagkuha ng nasabing dokumento.

Hindi rin umano nasuri ang aplikasyon ng kumpanyang sangkot bago inaprubahan ang registration bilang importer at nagawang makakuha ng rekomendasyon para maaprubahan.

At ang huli, nabago umano ang tagging ng kargamento mula sa “yellow” ay ginawang “green” habang ang “red” ay nagawa ring “green” kaya naipasok ang mga basura. Kung tumpak ang imbestigasyon at may sapat na ebidensiya, hindi na nakapagtataka kung bakit basurahan ang trato ng ibang bansa sa Pilipinas, ‘yan ay dahil sa bulok na sistema at nakasusulasok na kalakaran na pakana ng iilan.

Nakapanlulumo na habang isinisigaw ng taumbayan na hindi tayo basurahan ay nasa mismong tarangkahan pala ang mga bukas-palad sa basura kapalit ng pera. Abangan natin kung magagawa nilang linisin ang kanilang pangalan, baka sabihin, masyado tayong judgmental.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page