Nagsasampay sa kawayan, sign na dapat umuwi ang OFW para hindi ma-depressed
- Socrates Magnus
- Jan 25, 2020
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Joni ng Joni_ Poggowon@facebook. com
Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na pilit kong isinasampay ang napakalaking kumot na makapal, pero malakas ang hangin kaya tatlong beses kong inaayos at naisampay pero naputol ‘yung sampayan na kawayan? Maraming salamat!
Naghihintay, Joni
Sa iyo Joni, Ang kawayan sa panaginip ay naglalarawan ng lupang sinilangan o hometown. Kaya ang nagsasampay ay sinasabing kailangan nang umuwi at sa pag-uwi mo, mauunawaan mong kailangan mong muling lumayo at sa paglayo mo, muling gaganda ang lahat para sa iyo.
Parang mahirap maunawaan ang payo ng iyong panaginip. Gayunman, narito ang ilang katotohanan sa buhay ng bawat tao, lalo na sa iyo.
Kapag ang tao ay napalayo sa kanyang lupang sinilangan, kailangan niyang makauwi paminsan-minsan nang sa gayun ay manariwa ang kanyang lakas at sigla.
Sa lupang sinilangan, sure na sure na babalik ang iyong lakas at muling sisigla ang iyong personalidad.
Gayunman, dahil ang paglayo ay tungkol sa kabuhayan, kailangan mo ring magbalik sa malayo. Ito ang katotohanan sa buhay ng lahat ng OFWs, kaya kailangan nilang makauwi sa Pilipinas from time-to-time.
Ang ganitong pagre-recharge ay tulad din ng mga day-off kapag namamasukan dahil ang tuluy-tuloy na pagsisikap sa buhay ay hindi nakabubuti. Maaaring mabalewala ang pagsisikap dahil siya ay hindi namamahinga o hindi gumagawa ng paraan para muling manariwa ang kanyang lakas.
Dahil dito, siya ay magkakasakit o iiksi ang bilang ng mga taon ng kanyang buhay sa mundo.
Ang prinsipyong ito ang nakapaloob sa utos ni God na anim na araw na magtatrabaho at sa ikapitong araw ay araw ng pamamahinga, kaya umuwi ka muna at muling lumayo. Paano kung hindi mo magawa? Binabalaan ka ng iyong panaginip na matinding depression ang maaari mong maranasan.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments