top of page
Pokwang.jpg

Maynilad, may libreng patubig sa mga nasalanta ng Taal eruption

Thea Janica Teh
Jan 25, 2020
1 min read

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Dahil sa pagputok ng Bulkang Taal, maraming kababayan natin ang naapektuhan at napilitang lumikas sa mga evacuation centers. Hindi kinaya ang supply ng tubig sa bawat evacuation center dahil sa libu-libong pamilya ang nagsama-sama kaya naman, naglagay ng 10 water tanks ang Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad).

Ito ay inilagay sa lahat ng evacuation centers sa Cavite at Batangas City. Makikita sa litrato ang dalawang static water tanks na nakalagay sa evacuation center sa Poblacion Calaca, Batangas. Halos 1,300 pamilya mula sa bayan ng Talisay, Lemery, Laurel at Agoncillo sa Batangas ang nakikinabang sa static water tanks na ito.

Bukod pa rito, namigay din ang Maynilad ng bottled water at relief goods. “Isa ang tubig sa pinakakailangan ng mga kababayan natin pagdating sa ganitong sakuna kaya naman agad itong ibinigay ng Maynilad. We are one with the nation in praying that this disaster will soon cease,” bahagi ni Maynilad President and CEO Ramoncito Fernandez.

Ang pamimigay ng mga pangangailangan ng mga kababayan natin na naapektuhan sa pagputok ng Bulkang Taal ay sa pakikipagtulungan ng Maynilad sa Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF), Alagang

Kapatid Foundation, Office of Civil Defense, Department of Social Welfare and Development (DSWD) at local government ng Cavite at Batangas.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page