top of page
BIDA - CUP OF JOE, IPINABOBOYKOT SA DAVAO, BABATUHIN NG DURIAN NG MGA DDS-FB Cup of Joe.jp

Ipinanganak sa Year of the Rat, sobrang ambisyoso pero walang focus kaya bumabagsak

  • Maestro Honorio Ong
  • Jan 25, 2020
  • 3 min read

Bulgar Horoscope

Ituloy natin ang pagtalakay ngayong taong 2020, na ayon sa Chinese Astrology ay taon ng animal sign na Rat.

Sa pagkakataong ito, talakayin natin ang likas na katangian ng animal sign na Rat, partikular silang isinilang noong mga taong 1912, 1924, 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, 2020 at 2032.

Sinasabing ang ikinaganda pa sa Rat, hindi lang niya alam kung ano talaga ang kanyang gusto, sa halip, alam din niya ang paraan kung paano kukunin ang bagay na kanyang nagustuhan na kadalasan ay hindi rin niya alam kung saan basta ginusto o inambisyon niya ang isang bagay.

Sa bandang huli, ito ay magkakatotoo dahil langit mismo ang magbibigay sa kanya ng inambisyon niyang ito na magdudulot sa isang Daga ng maalwan, masarap at maginhawang pamumuhay, lalo na sa panahong siya ay nagkakaedad na.

Dagdag pa rito, sinasabing bukod sa pagiging praktikal at madaling nakukuha ang kanilang gusto, sinasabi rin na ang isang Daga ay masipag na nagiging dahilan upang hindi siya mawalan ng trabaho at habang nagtatrabaho, may likas din siyang kakayahan na pagtrabahuhin ang iba pang mga kasama niya. Kumbaga, habang siya ay nagtatrabaho, madali niyang naeengganyo o napapasunod ang mga taong nasa paligid niya upang sila rin ay magtrabaho.

Dahil dito, bagay na bagay sa isang Daga ang propesyong nag-uutos o mayroon siyang mga tauhan, tulad ng manager at supervisor.

Samantala, kung halimbawang napasok sa intriga at iba’t ibang problemang may kaugnayan sa siraan at sipsipan sa kumpanya, ang Rat ay hindi basta-basta naaapektuhan ng mga intrigang ito dahil para sa kanya, pumapasok agad sa isip niya ang mga katagang ganito, “Bahala kayo sa buhay n’yo, basta ginagawa ko ang aking trabaho.”

Ibig sabihin, ang Rat ay hindi mapagpatol sa mga taong walang magawa na palaging pinagtsitsismisan ang kanilang kap-wa, dahil likas na may mataas na IQ ang Rat, lalo na sa mga bagay na may kaugnayan sa human relationship.

At ang ikinaganda pa nito, kahit mapasok sa gulo at intriga, kadalasan ay makikita mo pa rin siyang kampante at parang hindi naaapektuhan. Dahil sa attitude niyang ito, madali niyang nalulusutan at nasosolusyunan ang anumang mga problema sa lugar na kanyang pinagtatrabahuhan.

Kaya lang, dahil ang Rat ay likas na may mataas na ambisyon, kung minsan, ang ambisyon ding ito ang nagiging dahilan upang siya ay makaranas ng kabiguan sa buhay.

Kadalasang nangyayari ay nahahati ang kanyang energy kung saan-saan, kaya sa halip na maabot niya ang kanyang inaambisyon, ang nangyayari ay nagpapalipat-lipat siya ng gusto o nagkakaroon siya ng bagong gugustuhin, gayung hindi pa man niya naaabot ang nauna niyang inambisyon.

Gayunman, para maging matagumpay at higit na maging maligaya ang Rat, dapat i-concentrate niya ang enerhiya sa isang ambisyon at kapag nakamit na ito, mag-ambisyon ng bago at mas mataas pang ambisyon.

Sa ganitong paraan, “one single task” o isang “definite chief aim” muna sa bawat panahon, darating ang saktong pagkakataon, sa paisa-isang ambisyon, madali mong makakamit ang lahat ng ito sa takdang panahong ang langit ang may panukala.

Tandaan, para maging matagumpay ka, maging maligaya at makamit mong lahat ang inaambisyon mo sa buhay, ang dapat mong tularan ay ang lineman ng telecommunication company na ang pag-akyat sa hagdanan ay paisa-isang step lang hanggang sa marating ang tuktok.

Ganu’n ka rin dapat, paisa-isang hakbang lang muna hanggang sa marating mo ang napakatayog at napakataas na ambisyon mo sa buhay na sa bandang huli ay siguradong magdudulot sa iyo ng walang kahulilip na ligaya at masarap na lasa ng tagumpay.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page