Hanggang dubsmash at comedy lang…Maine, aminadong wa K umarte, atras mag-drama?

Marami ang nagkakagusto sa pagiging kikay, kalog at down-to-earth ng Dubsmash Queen na si Maine Mendoza. Nakikita nila si Maricel Soriano kapag umaarte at nagpapatwa na si Maine.
Natural na natural ang kanyang kilos at pananalita kapag nagkokomedi sa telebisyon. Hindi kasi niya itinatago ang tunay na ugali niya on and off camera. Hindi peke ang ipinakikita niyang ugali.
Wagas na wagas siya kapag humahalakhak at nakikipagbiruan sa kanyang mga co-stars sa Daddy’s Gurl at mga co-hosts sa Eat… Bulaga!.
May ilang TV guestings naman na tinatanggihan ni Maine dahil karamihan ay drama ang tema tulad na lang ng Magpakailanman.
Ilang beses nang pinakiusapan si Yaya Dub na mag-guest sa MPK, pero hindi niya matanggap dahil hindi raw niya kayang magdrama at umiyak.
Finally, nakumbinse rin si Maine na tanggapin ang alok ng Magpakailanman dahil hindi iyakan at drama kundi comedy ang kuwento. Si Ruru Madrid ang kanyang makakapareha sa MPK.





Comments