top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Taulava, balik Road Warriors; Cruz, lalaro sa FIBA Asia 2021

  • Alvin Olivar
  • Jan 24, 2020
  • 2 min read

Muling maglalaro si Asi Taulava para sa NLEX Road Warriors sa darating na season ng PBA. Ito ay ayon kay NLEX coach Yeng Guiao na isinaad na plano pang bigyan si Taulava ng kontrata para sa kanyang pang-21 na taon ng paglalaro sa PBA.

Ayon kay Guiao, pinag-iisipan na lang ng koponan kung gaano kahaba ang ibibigay na kontrata sa kanya ng koponan. “We are still determining, if we are going to give him a conference, a half-year contract, or a full-year contract. ‘Yun din ang ine-evaluate namin,” wika ni Guiao kahapon.

Sa edad na 46 ay maglalaro muli si Taulava para sa NLEX matapos ang 21 na seasons sa PBA. Nauna siyang naglaro sa Mobiline noong 1999 kung saan isa siya sa mga direct hire na Fil-foreigners noong mga panahong iyon.

Parte rin siya ng 40 greatest PBA players sa kasaysayan ng liga at nagwagi ng MVP noong 2003. Noong taon ding iyon ay nanalo ng titulo sa All-Filipino Cup si Taulava para sa Talk ‘N Text. Naglaro rin si Taulava sa Meralco at Air21 bago kinuha ng NLEX.

Samantala, hindi tutol si Guiao na maglaro si Jericho Cruz sa national team ng Guam. Ito ay matapos mapili si Cruz sa 24-man pool ng Guam para sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers. Ipinanganak si Cruz sa Pasig City ngunit lumaki siya sa Guam at sa Northern Marianas. Naglaro na rin si Cruz para sa Northern Marianas noong 2009 FIBA Oceania Championships.

Ngunit ayon kay Cruz, kailangan pa rin nila ng kaliwanagan mula sa basketball federation ng Guam patungkol sa seguridad ni Cruz. “I think the bigger issue also is also the concern of the management is just to make sure that the time he is playing for the Guam team, anything that happens to him is taken care off by their federation.

It has to do something with his security of his contract and consequences of some injuries. I think that’s only normal and natural. We still need to know that from the federation,” saad ni Guiao.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page