Nabasa at natuyo na lang daw, suot pa rin, Julia… Gerald, 3 days 'di nagpalit ng brief!

A special screening ng A Soldier’s Heart na bagong TV series ng Star Creatives of ABS-CBN ay hindi na namin nagawang itanong sa isa sa mga lead stars nitong si Gerald Anderson ang tungkol sa “ghosting issue” sa kanila ni Bea Alonzo at ang pagkaka-link niya romantically kay Julia Barretto, kasi parang ang gulu-gulo ng venue sa Peri-Peri Resto kung saan ginawa ang one-on-one interview sa halos lahat ng cast ng serye, sa true lang.
Basta ang na-welding sa utak ni yours truly ay ang rebelasyon ni Gerald na sa tatlong araw nilang training sa kampo ng mga sundalo natin ay hindi siya nagpalit ng brief.
“Kung ano ‘yung brief ko nu’ng pumasok ako sa training, ‘yun din ang suot ko nu’ng lumabas ako pagkatapos ng three days. Walang palitan talaga, nababasa at natutuyo na rin,” natatawa niyang sabi sa amin.
Kung paano nabasa… ay naku, pairalin n’yo na lang ang inyong imahinasyon. Kung nabasa ng pawis, ihi or ng anupaman, bahala na kayong mag-isip. ‘Yun na!
Nabanggit pa ni Gerald na sa loob ng 24 oras ay 2-3 hours lang ang tulog nila kaya talagang pagod at buwis-buhay ang ginawa nila sa training pa lang.
“Kaya sobrang laki ng respeto namin sa mga sundalo. Kung may makita po kayong sundalo, kamayan ninyo sila at pasalamatan dahil sa pagtatanggol nila sa ating bayan,” paalala sa amin ng ex ni Bea Alonzo.
Co-stars ni Gerald sina Vin Abrenica, Nash Aguas, Elmo Magalona, Yves Flores, Mon Confiado, Sue Ramirez, Irma Adlawan, Jerome Ponce, Carlo Aquino, atbp. sa direction nina Richard Somes at Albert Panaligan at sa script ni Jerry B. Gracio.
Umere na sa mundo ng telebisyon ang A Soldier’s Heart last Monday sa ABS-CBN Primetime Bida na in pernes ay mala-pelikula ang arrive, ha!





Comments