top of page
Pokwang.jpg

Mga katangian ng daga na dapat tularan para umunlad at yumaman

Sr. Socrates Magnus II
Jan 24, 2020
2 min read

Bigyang-daan natin ang e-mail ni Shen ng Shen_Shen@facebook. com

Dear Señor, Gusto ko sanang ibahagi mo sa aming mga tagasubaybay ng pahayagang BULGAR ang mga paraan para suwertehin ngayong 2020.

Naghihintay, Shen

Sa iyo Shen, Bukas, ika-25 ng Enero, Chinese New Year na, kaya naman Happy New Year sa iyo at sa lahat ng suki ng ating pahayagan. Narito ang mga paraan para suwertehin ngayong 2020 o Year of the Metal Rat. 1. Ang rat ay matalino kaya kahit maliit siya, ginamit niya ang kanyang talino na sumakay sa ox kaya siya ang itinanghal na una. Kaya, Shen, magpakatalino ka.

2. Ang taong matalino ay isip ang ginagamit, kaya isip ang gamitin natin ngayong 2020.

3. Hindi emosyon ang pinaiiral kaya huwag kang maging emosyunal ngayong taon. Ang taong emosyunal, damdamin ang umiiral sa kanya, kaya huwag kang masyadong maramdamin nang sa gayun ay umunlad ka.

4. Ang talino ay ginagamit para makinabang kaya ngayong 2020, palagi mong iisipin kung paano ka makikinabang. Ang totoo, awtomatikong tumatalino ang tao kapag palagi niyang iniisip kung paano siya makikinabang kaya ginamit ng rat ang ox kaya siya ang nanguna. Ikaw din, gamitin mo ang ibang tao para makuha mo ang mga hangarin mo.

5. Ito rin ay nagsasabing huwag kang magpapagamit dahil kapag nagpagamit ka, hindi mo natularan ang rat, ang natularan mo ay ang ox kaya kapag naunahan ka, ikaw ay mapabibilang sa mga talunan.

6. Mabilis magparami ang rat, kaya ang numero-unong isipin mo ay kung paano darami ang mga kabuhayan mo.

7. Ito rin ay nagbibigay ng mensahe na ang taong 2020 ay para sa pagpapalago ng kabuhayan, as in, masuwerte sa negosyo ang taong ito.

8. Nabubuhay ang daga sa pakikipagsosyalan sa kapwa niya daga, kumbaga, friendly ang daga sa kapwa niya kaya makikitang ang mga daga ay may mga

grupo na parang isang malaking army ng mga daga.

9. Kaya ikaw ay pinapayuhan na pangunahan mo ang iyong mga kaibigan na magtayo ng samahan o grupo kung saan sabay-sabay kayong yayaman.

10. Alam mo, hinahasa palagi ng daga ang kanyang mga ngipin para mapanatili itong matalas nang sa gayun ay marami siyang makain.

11. Kaya hasain mo rin palagi ang iyong magagandang katangian nang sa gayun ay gumanda ang iyong buhay dahil ang magagandang katangian ng tao ay ang kanyang mga sandata ng kapalaran. (Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page