May asim pa naman daw… Iza, proud na endorser ng suka
- Erlinda Rapadas
- Jan 24, 2020
- 1 min read

Natuwa at naaliw kami sa tweet ng magaling na aktres na si Iza Calzado na, “May asim pa!”
Si Iza kasi ang newest endorser ng isang brand ng suka at wala naman siyang isyu kung pati suka ay ini-endorse na niya ngayon. Dati-rati ay shampoo at iba pang beauty products ang kanyang endorsement.
May ilang netizens naman ang nag-react at nag-comment sa tweet ng aktres dahil at her age and stature, literal naman na “may asim pa” ang isang Iza Calzado, kaya wala siyang dapat na ikahiya sa pagiging endorser ng suka.
Ang ibang artista nga ay toyo at vetsin ang in-endorse. At least, may talent fee naman.




Comments