Lindol, gumuhong building, kuweba at paraiso, sign na daraan muna sa pagsubok bago maging matagumpay
Salaminin natin ang panaginip ni Shai ng Shai_Neumann@facebook. com
Dear Professor, Gusto kong itanong kung ano ang ibig sabihin ng napanaginipan ko? Hindi ko alam ‘yung lugar sa panaginip ko, pero biglang lumindol at gumuho ‘yung matataas na building at natakluban ng mga bato ang mga tao. Pilit kong inililigtas ang pamilya ko at umuulan ng apoy.
May napuntahan kaming lugar na parang kuweba, pero bago makarating du’n, daraan pa sa gubat at may mga taong may dalang baril ang nagbabantay, pero pinapasok kami. Nang makapasok kami, may iba pang mga tao at parang paraiso ang lugar na ‘yun.
So, ang tinanong ko sa ibang tao roon ay kung may signal ba dahil gusto kong malaman ang nangyayari sa labas, pero wala raw. Natatakot ako dahil may nakita ako sa Facebook na may sunog sa Australia.
Naghihintay, Shai
Sa iyo Shai, Nasusunog ang mga gubat, pero walang lindol at hindi naman gumuguho ang mga building dahil ang sunog ay delubyo sa Australia. Rito naman sa atin, tulad ng iyong panaginip, may mga lindol, umuulan ng apoy at bato at ang mga tao ay nagtatakbuhan, pero wala namang natabunan ng mga bato at ito ay senaryo sa pagsabog ng Taal Volcano.
Ang dalawang kaganapan ay hindi applicable sa iyong panaginip. Gayunman, ang iyong panaginip ay nagbabalita na pagkatapos mong maranasan ang mga pagsubok, ang buhay mo ay gaganda kung saan magkakaroon ka ng bagong mundo, as in, a new life is coming to you.
Kaya magpakatatag ka at maging matibay sa mga hamon ng iyong kapalaran dahil ayon sa iyong panaginip, magkakaroon ka ng bagong buhay ngayong
2020.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments