top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Davis-Lebron duo tinilad ang Knicks

MC
Jan 24, 2020
2 min read

Nakagawa si Davis ng 7-of-14 from the field at perpektong 13-of-13 sa free-throw line na nanatiling matikas ang kontensiyon ngayong season. Pareho rin ito ng kanyang nagawa kontra New Orleans Pelicans noong Enero 3.

May nabasket si LeBron James na 21 points at 6 rebounds, 5 assists at 5 steals para sa Lakers, na nagwagi ng 11 beses sa 13 laro. Nakaiskor sina Kentavious Caldwell-Pope ng 13 points at Kyle Kuzma ng 10 para sa Los Angeles.

Nasayang ang nagawa nina Marcus Morris Sr. na may 20 points at Damyean Dotson na 17 points para sa Knicks, na may apat na talo sa nagdaang limang laro na humabol sa 2-9 kartada mula nang matalo sa Phoenix noong Enero 3. Samantala, kinumpleto ng Utah Jazz ang unang season-series sweep kontra Golden State Warriors sa loob ng 10 taon sa bisa ng 23 points mula kay Donovan Mitchell at 22 mula kay Rudy Gobert na inasahan sa paghahabol ng panalo, 129-96 sa San Francisco.

Bagamat, agapay lang ang laro ni Gobert dahil sa pagkakatapilok noong Lunes sa kanilang home win laban sa Indiana Pacers, ay nakapagtarak ito ng game-high 15 rebounds para sa Jazz, kung saan ang unang tatlong panalo laban sa Warriors ngayong season ay mula sa kabuuang 26 puntos.

Sa kabilang banda, namuno si Golden State’s D’Angelo Russell sa pag-iskor ng 26 points. Tinahak ang ika-18 panalo sa huling 20 laro, mas pinalakas ang Jazz sa 15 puntos na kalamangan sa unang quarter, at saka pinalawig ang pagitan na 22 puntos sa 2nd period at 34 sa third canto bago tuluyang inangkin ang panalo.

Sa iba pang laro, tinalo ng Toronto Raptors ang Philadelphia 76ers, 107-95; hindi pinaporma ng Detroit Pistons ang Sacramento Kings,127-106; sinunog ng Oklahoma City Thunder ang Orlando Magic, 120-114.

Matibay ang Boston Celtics sa Memphis Grizzlies, 119-95; sinilaban ng Miami Heat ang Washington Wizards, 134-129; ipinahiya ng Hawks ang LA Clippers, 102-95;

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page