top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

38 national athletes, isasabak sa Olympics

  • Gerard Arce
  • Jan 24, 2020
  • 2 min read

Inaasahang aabot sa 38 national athletes ang magpapartisipa sa 2020 Olympic Games na magbubukas simula Hulyo 24-Agosto 9 sa Tokyo, Japan. Ito ang ikalawa sa pinakamalaking bilang ng Pambansang Koponan sa quadrennial meet na nailista noong 1964 sa pareho ring bansa, kung saan umabot sa 47 manlalaro ang mga sumabak dito kabilang ang matagumpay na pagkapanalo ni amateur boxing legend Anthony Villanueva na nagwagi ng silver medal sa featherweight division.

Ayon kay Chef de Mission Mariano Araneta, tinatantya nilang maaabot ng bansa ang naturang bilang ng pangkat matapos makipagpulong at makipagtipon sa mga lider ng 15 national sports association (NSAs) na nagpakita ng kani-kanilang mga programa at mga plano sa mga atletang sasabak sa Olympic qualifying tournaments.

“This could be the second largest delegation, if ever, not surpassing the 47-man contingent during the 1964 Olympic Games,” wika ni Araneta, na siyang pinuno ng Philippine Football Federation (PFF). “The assumption of having the said numbers after they’ve showed us their plans and programs for the coming Olympic qualifying,” dagdag nito sa pagpupulong na ginanap sa Olympic secretariat sa Rizal Memorial Sports Complex.

Tinatayang sasali ang may 49 na Filipinong atleta mula sa 15 sports sa kani-kanilang Olympic qualifying tournaments para makakuha ng silya sa 32nd edisyon ng Olympiad.

Kasamang nakipagpulong sina Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR) corporate communication assistant Maiza Manolet Valdez, Philippine Olympic Committee (POC) secretary-general Edwin Gastanes, na siyang humalili kay POC head Abraham “Bambol” Tolentino na dumalo sa isinagawang special session sa Kongreso ukol sa Batangas.

Matatandaang nangako si Pangulong Rodrigo R. Duterte sa utos sa PAGCOR ng mahigit P100 milyones para pondohan ang preparasyon ng mga atletang Filipino na naghahangand ng Olympic slots.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page