Utol, tameme, ate 'di nakatiis… Yassi, nagsalita na sa kumalat na si Issa ang ipinalit ni James

Photo: @yassipressman (left) / @pressmanissa (right)
Nagsalita na si Yassi Pressman tungkol sa akusasyon sa kapatid niyang si Issa Pressman na as we all know ay itinuturong 3rd party sa breakup nina Nadine Lustre at James Reid.
Sa kanyang Instagram account kahapon, pinasinungalingan ni Yassi ang tsismis at ipinagtanggol ang nakababatang kapatid. At bilang pagpapatunay nga ay kasama ng kanyang statement ang larawan nila ni Nadine na kuha last Tuesday night kung saan makikitang may hawak silang glass of wine at nagtatawanan, which means okay na okay ang kanilang relasyon.
Sa caption, ani Yassi, bilang ate ay hindi niya kayang tiisin ang lahat ng masasakit na salitang ibinabato sa kapatid niya at siya na mismo ang nagbigay ng statement dahil hindi raw papatulan ni Issa ang mga tsismis.
“Hindi po papatol ang kapatid ko sa mga sinasabi ninyo. Pero bilang ate, hindi ko naman po yata kayang panoorin na patuloy po siyang binabato ng mga masasakit na salita dahil nananahimik siya.
“This was me and Nadz last night, watching how some of us become cruel over untrue statements. Initially, we all laughed about how crazy the things that woke us up yesterday were, and then.... they started getting out of hand, at ‘di na ‘yun tama.
“Ayaw na po sana naming patulan, but we decided to post something because cyber-bullying is not okay, it is never okay.
“Be careful with the words you say, and things you THINK are true on social media. They’re not always the truth.
“Do not be so quick to point fingers, when you do not have the proper information. #thinkbeforeyouclick #thinkbeforeyouclick.
“We’re all okay. Sana po kayo rin. Let’s respect everyone,” ang buong pahayag ni Yassi.
Sa comment section ay makikita ang sagot ni Nadine. Aniya, “Love you both @yassipressman @pressmanissa,” which is a solid proof din na okay nga silang tatlo sa kabila ng mga intriga.
Pero marami pa rin ang hindi kumbinsido at may isang netizen pang nagtanong kung ano ang ibig sabihin ng mga lumabas na videos nina Issa at James.
Hindi rin kumbinsido ang marami sa ibinigay na rason ng JaDine sa breakup na they want to grow individually.
Sey din ng mga netizens: “SO SA RELATIONSHIP KAILANGAN PALANG MAGHIWALAY PARA MAG-GROW INDIVIDUALLY????? ‘YAN NA YATA ANG PINAKAGASGAS NA REASON NG MGA NAGBE-BREAK KAPAG ‘DI NILA KAYANG SABIHIN ANG TOTOONG REASON, LOL.”
“I soo agree! They can both grow together.. ‘Di kelangang maghiwalay!!”
“Dear, puwede namang mag-grow individually.. TOGEtHER!! Anyway, I understand they have a career to protect. Ang pangit lang, they don’t give importance to fans who built them!”
May mga nag-e-encourage naman kay Yassi na idemanda ang mga cyber bullies at mayroon ding nagkomento na intindihin ng aktres ang mga JaDine fans na nasaktan at gusto lang malaman ang katotohanan. Hiling din ng mga supporters na magsalita rin si James tungkol sa isyung ito.





Comments