top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Lambingan sa TV, bad influence raw… Vice at Ion, inireklamo, lagot sa MTRCB!

Janice DS Navida
Jan 23, 2020
2 min read

Photo: @perezion27_

Soon ay hindi na lang pala ang mga pelikula at TV shows ang magiging sakop ng Movie and Te­levision Review and Classification Board (MTRCB) kundi maging ang on­line world na, or ‘yung mga digital shows in particular.

Nakausap namin kahapon si MTR­CB Chairwoman Rachel Arenas over lunch at tinanong nga namin siya kung ano’ng balak ng kanilang ahensiya ngayong mas dapat nang tutukan at bigyang-atensiyon ang mga napa­panood sa digital platform, lalo’t mas marami nang ka­bataan ang nakatutok ngayon sa iba’t ibang online shows na hindi naman nare-regulate at naka-classify kung dapat bang panoorin ng mga menor-de-edad.

Aminado naman si Chair Arenas na malaking trabaho at mahirap talagang ma-track down ang iba’t ibang on­line shows na napapanood ngayon dahil bukod sa Net­flix, iFlix, iWantTV, etc., nandiyan din ‘yung mga videos na nagba-viral na kapag hindi nabantayan ng mga ma­gulang ang kanilang mga anak, malaking epekto sa ka­nilang inosenteng pag-iisip ang maaaring idulot ng ka­ni­lang mga napapanood na walang classification o rating.

Pero tiniyak naman ni Chairwoman Arenas na naki­kipag-usap na sila ngayon sa iba’t ibang grupo at ahensiya para masolusyunan ang lumalalang problema sa online world kung saan hindi nga lang violence ang maaaring pumasok sa isip ng kabataan kundi nandiyan pa ang usa­­ping sex, fake news, etc., etc..

Sa ngayon, wala pang malinaw na batas na mai-im­plement para panghimasukan ng MTRCB ang mga on­line shows at sana ay isa ito sa mga bigyang-pansin din ng ating mga mambabatas para maproteksiyonan higit ang mga kabataan.

Ang malinaw lang na nasa batas, “all platform” ang sakop ng MTRCB para bantayan at handa naman daw ang ahensiyang pinamumunuan ni Chair Rachel basta magkaroon lang ng maayos na polisiya at sistema.

Samantala, nahingi rin namin ang reaksiyon ni Chair Rachel kaugnay ng mga reklamo ng ilang netizens online na hindi na raw dapat ipinapakita pa nina Vice Ganda at Ion Perez ang kanilang “lambingan” sa It’s Showtime dahil hindi ito magandang impluwensiya sa kabataan.

Sagot ng MTRCB chairperson, hindi niya personal na napapanood ang sinasabing ‘lambingan’ nina Vice at Ion sa TV at so far naman daw, wala pang nakakarating na mga reklamo sa kanilang ahensiya kaugnay ng pagiging mas­yadong lantad ng relasyon nina Vice at Ion.

Sabi namin, maaaring walang nagpapadala ng complaint letter sa MTRCB pero sa social media, la­ging la­man ng mga discussions ang pagiging ‘extra sweet’ nina Vice at Ion, at may mga konserbatibo ngang tao ang hindi pa rin matanggap ang pagiging open nila sa TV.

Ang hiling ni Chair Rachel, kung totoong may mga nagrereklamo sa pagiging ‘bad influence’ nina Vice at Ion sa It’s Showtime, magpadala ng formal complaint letter sa MTRCB nang kanilang maaksiyunan.

O ‘di kaya, i-email daw sa MTRCB ang link ng mga dis­cussions sa socmed kung saan binabatikos nga ang pa­giging ‘bad influence’ raw nina Vice at Ion sa manonood.

Hinikayat din niya ang lahat na kung may napansing mali sa kanilang mga napapanood mapasa-TV man, peli­kula o mga videos on board sa mga pampublikong sasak­yan, i-report agad ito sa kanilang ahensiya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page