Gumastos ng P1.5 million… Angel, ipinagsigawang walang idinoneyt na lumang gamit sa mga taga-Taal
- Nitz Miralles
- Jan 23, 2020
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Photo: TeamAngelPH
Naka-itemize sa Instagram (IG) ni Angel Locsin ang mga donors na nag-contribute sa dinala nilang relief goods sa evacuation centers sa Batangas City para sa mga biktima ng Taal Volcano eruption.
Kabilang sa mga donors si Bela Padilla na nagbigay ng 10 sacks of rice, 3 boxes of crackers, 1 box of toothbrush, 2 boxes of toothpaste, 3 boxes of noodles, 3 boxes of corned beef, 2 boxes of bath soap at 2 boxes of detergent soap.
Kasama rin sa mga donors ang isang Angelica Colmenares na real name ni Angel at mababasa ang P1,500,000 worth of goods and other expenses. Sa groceries, gumastos si Angel ng P900,000, worth P357,500 ang nabiling rice o 250 sacks at ang N95 mask na galing pa ng Hong Kong na worth P48,095.
Marami pang ibang expenses si Angel kaya may note siya na “We did not include any used items.” Knowing Angel, hindi ito ang last time na tutulong siya dahil wala ngang kapaguran sa pagtulong.
Isinusulong tuloy ni Agot Isidro na si Angel na ang mag-head sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).





Comments