After ma-engaged, ibinulgar ni Melai… Alex, atat na atat nang magka-baby
- Ronalyn Seminiano
- Jan 23, 2020
- 1 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Photo: @cathygonzaga
Puring-puri ni Melai Cantiveros ang Kapamilya actress na si Alex Gonzaga dahil sa ginawa nitong pagtulong sa mga nasalanta ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal sa Batangas imbes na ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa magarbong party.
Sey ni Melai, “Sobra akong touched sa kanya kasi nu’ng na-greet namin siya, nandu’n siya. Tumulong siya sa mga Kapamilya nating nasalanta sa Taal. Very selfless ‘yung ginawa niya, kasi ru’n siya mismo nag-birthday sa Batangas.”
Isa rin si Melai sa pinakanatuwa nang inanunsiyo ng magaling na actress-vlogger na engaged na sila ng BF niyang si Mikee Morada at sey pa ng Magandang Buhay host, walang pinagsabihan si Alex tungkol du’n.
Sey ni Melai, “Wala kaming hint (na engaged na sina Alex at Mikee) pero parang may mga nararamdaman na kami kasi iba na ‘yung mga posts niya sa thread namin. Pero alam namin na ang saya-saya niya.”
Ibinulgar din ni Melai na nagtatanung-tanong na si Alex tungkol sa pagbubuntis at panganganak.
Aniya, “Ang itinatanong niya sa akin siyempre, ‘yung panganganak talaga, kung paano ‘yung mag-delivery, ‘yun talaga ‘yung masakit. Pero kasi mas mananaig ‘yung excitement mo na makikita mo ang anak mo kaysa doon sa sakit.”
Well, kung may plano na sina Alex at Mikee na magka-baby, siguradong ikatutuwa ‘yun nang lubos ng mga fans nila at baka mas excited pa silang makita ang baby version ng mga idolo nila kesa sa sweet couple!





Comments