Todo-deny pa nu'ng una, aamin din pala… Confirmed: James at Nadine, after 4 yrs., hiwalay na!
- Beth Gelena
- Jan 22, 2020
- 3 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @james
Hindi fake news kundi totoong hiwalay na ang magdyowang umabot nang apat na taon, sina Nadine Lustre at James Reid.
Nu’ng Lunes sa Tonight with Boy Abunda ay nagpadala ng joint statement ang JaDine kung saan inanunsiyo nilang hiwalay na sila.
In denial pa ang magkabilang panig nu’ng unang lumabas ang balita pagkatapos ng Bagong Taon.
Sa statement nila ngayon, nakasaad na, “It’s true that we have split up but not for all the reason that are being spread on the tabloids and social media but because after quiet and mature conversations, we decided to focus on ourselves not only for our careers but more for our personal growth as we are still young and we want to achieve as much as we can.”
Nilinaw nilang maayos ang kanilang paghihiwalay at nananatili pa rin silang magkaibigan.
“We agreed that going separate ways was the best for both of us. We are in good terms and are still really good friends and will continue to work on each other especially when it comes to music.”
Pinasalamatan din nila ang JaDine fans na tumatangkilik at nagtatanggol sa kanila.
“Thank you for all the JADINE FANS for their undying support and we hope you continue to support us now and in the future. We shall forever be grateful to them for their love and understanding. Thank you.”
Marami ang nagulat sa inanunsiyo nina James at Nadine. Ang akala kasi ng lahat ay tapos na ang isyung JaDine breakup dahil umalma si Nadine sa isinulat ng Philippine Star Entertainment editor na si Ricky Lo. Pagkatapos nu’n ay nag-post pa sila kasama ang mga kaibigan na umakyat ng Mt. Ulap. After ng pamumundok ay ang pagliliwaliw naman nila sa Brazil.
Pero, pinakalma lang pala muna ng celebrity couple ang pagsabog ng Taal Volcano. Nang tumahimik na ang Taal, saka naman sila bumuwelta para isabog sa showbizlandia ang buong katotohanang BREAK na sila.
Halu-halo ang mga komento ng mga netizens sa JaDine breakup. May nagsabing hindi pa naman talaga handang mag-settle down si James kaya nakipag-live-in lang ito kay Nadine.
Awang-awa rin ang mga netizens kay Nadine dahil binago pa naman daw nito ang sarili para maka-adjust at makasabay lang sa kanyang BF. Pero expected na raw nilang sa hiwalayan din mauuwi ang dalawa.
Sa sitwasyon, si Nadine raw ang talung-talo dahil pinaikot niya ang mundo kay James at ibinigay dito ang lahat-lahat kaya pumayag na makipag-live-in.
“Hindi naman talaga seseryosohin ni James si Nadine. It was all a hype at nagka-develop-an ng feelings but not strong enough to last,” reaksiyon ng isa pa.
Isang netizen naman ang nagpaliwanag na ang pagpunta nina Nadine at James sa Brazil ay hindi bakasyon kundi trabaho na dapat ay matagal nang ginawa. Wala naman daw choice ang dalawa kundi gawin ang pictorial sa Brazil para sa Mega Magazine.
Samantala, ang president ng Nadine Lustre fans club na may user ID na @alexisnaddieluster ay nag-share ng mga kuhang larawan nina Nadine, James at Issa Pressman, kapatid ni Yassi Pressman na best friend ng una.
May marka ang mga larawang kuha umano sa isang bar na nakikipaghalikan daw si James kay Issa habang nakatalikod si Nadine.
Caption pa ni @alexisnaddieluster: “Watch closely, James Reid and Issa Pressman kissing behind Nadine.”
Komento ng mga netizens sa ipinost na larawan ni Alexis, baka naman daw break na sina Nadine at James nu’ng time na ‘yun kaya lantaran na ang aktor at si Issa.
Komento pa ng ibang netizens: “Sakit naman n’yan kay Nadine.”
“Alam n’yo naman siguro na kasama nila si Issa nu’ng New Year celeb, meaning, matagal nang alam ni Nadine ‘to. Matagal na silang break. Si kuya mo James lang ang naka-move on agad.”
“Wala tayong magagawa kung ang gusto ni James ay legit na Inglesera.”
Anyway, lalabas din naman ang katotohanan kung ano ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nina James at Nadine.





Comments