top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Taas-presyo ng bilihin, non-stop; madlang pipol, tiis-tiis na naman!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 22, 2020
1 min read

Hindi pa man ramdam ang inaasahang oil price hike kaugnay ng ikatlo at huling bugso ng excise tax sa ilalim ng TRAIN Law, may nagbabadya na namang taas-presyo sa ilang pangunahing bilihin.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), kanila nang pinag-aaralan ang inihihirit ng mga manufacturer na dalawa hanggang 13 porsiyentong taas-presyo sa ilang produkto tulad ng de-lata, kape, gatas at pati sabong panlaba. Katumbas ito ng P0.50 hanggang P2 kada item.

Matatandaang, una nang sinabi ng ahensiya na hangga’t maaari ay hindi magpapatupad ng taas-presyo sa mga pangunahing bilihin at palalawigin ang kasalukuyang suggested retail price (SRP) na noong Setyembre 2019 pa huling napalitan.

Sa mga ganitong usapin, sana, bago aprubahan o ibasura ng gobyerno ang hirit na paggalaw sa presyo ng anumang bilihin ay isali naman ang grupo ng mga consumer.

Ang nangyayari, tuwing may taas-presyo sa merkado, wala na tayong magawa kundi ang mag-adjust sa pagba-budget.

Iginagalang natin ang magagaling na ekonomista at technical person ng DTI na tinitingnan kung talagang may batayan ang pag-adjust ng presyo ng mga pangunahing bilihin, pero panahon na siguro para magkaroon naman ng boses ang mismong mamimili.

Ang pagkakaroon ng konsultasyon ay hindi para kumontra lang ang mga konsyumer sa mga negosyante kundi para magkaunawaan at ‘magkasalubong’.

Kung sa pelengke, nagiging maayos ang tawaran, ano pa kung pinagigitnaan naman ng malinaw na polisiya?

Kung may pagmahal dahil sa pagsirit sa presyo ng petrolyo o kuryente, mauunawaan naman ng mga consumer, pero kung may pagbaba, sana ay lingunin din ang nagsakripisyong bulsa ng mga mamimili.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page