top of page

May gumupit sa buhok habang tulog, sign na kinaiinggitan

  • Socrates Magnus
  • Jan 22, 2020
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Shen ng Shen _Marquez@facebook.com

Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na nakulta ako sa tuktok? Dalawa ang ibig kong sabihin, ginupit ‘yung buhok ko sa tuktok habang tulog ako, pero hindi naman halata, nakapa ko lang ‘yung buhok ko at inisip ko na lang na naiinggit ang mga nagkulta, kaya hindi naman ako nagdamdam.

Naghihintay, Shen

Sa iyo Shen,

Tama ka, may mga naiinggit sa iyo, kaya dapat ay maging mapagmatyag ka kung sinu-sino ang mga ito. Ano naman ang gagawin mo kapag nalaman mong ang isang tao ay may inggit sa iyo?

Gawin mo ang mga sumusunod:

1. Kuwentuhan mo siya na hirap na hirap ka na sa buhay at ikaw ay maraming utang na parang hindi mo na mababayaran.

2. Huwag kang magulat sa ganu’ng pagsasabi na ikaw ay hirap na hirap dahil ito mismo ang sinasabi ng mayayaman. Para iyong malaman, makipagkuwentuhan ka sa mga kakilala mong mayaman, baka nga hindi ka makapaniwala dahil ang sasabihin nila sa iyo ay naghihirap sila, pero sa totoo lang, mayaman ang mga ito. Gayundin, daing nang daing ang mayayaman, kaya tularan mo sila at dapat ay daing ka rin nang daing, lalo na kapag ang kaharap mo ay may inggit sa iyo.

3. Mahilig sa isda ang mayayaman dahil sila ay sobrang matipid. Subukan mong bumisita sa kanila at makikita mo, isda ang ulam nila.

4. Simple rin ang buhay ng mayayaman, kaya ipakita mo ang simpleng buhay mo. Maaaring sabihin mo, may nakita kang mayayaman na ang mga kuwento ay sila ay talagang mayaman. May makikita ka rin na hindi dumaraing sa hirap at bonggang-bongga ang lifestyle. Oo, marami ang nagyayabang na sila ay mayaman.

Sa maniwala ka o hindi, sa huli ay mababalitaan mo na sila ay hindi mayaman dahil mali ang kanilang ginawang pagyayabang. Pero muli, ang mayayaman kung makakuwento ay hirap na hirap sila, pero mas dumami ang laman ng kanilang kabang-yaman.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page