Hindi sure kung tuloy sa Dubai, makapag-a-abroad din ngayong taon
Maestro Honorio Ong

Katanungan
Nag-a-apply ako sa Dubai, pero hindi ko pa sure kung makaaalis ako. Naisipan kong sumulat sa inyo, Maestro, upang itanong kung may guhit ba sa aking mga palad na ako ay makapangingibang-bansa? Kasagutan
Positibo ang tugon, ito ang nais sabihin ng malawak at mahabang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa panahon ding ito, hindi ka maiinip, mabilis na mapoproseso ang mga papeles mo patungong ibang bansa kung saan kung nakapag-apply ka na noong nakaraang taong 2019, walang duda, sa buwan ding ito ng Enero o Pebrero, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.
Ang pag-aanalisang makapag-a-abroad ka at susuwertehin ngayong taong ito ay madali namang kinumpirma ng birth date mong 28 o 1 (2+8=1) kung saan tulad ng naipaliwanag na, dahil ang numero ng taong ito ng 2020 ay may sumatutal na 4 (ang 2020 ay 20+20=40/ 4+0=4), silang mga isinilang o may bitbit na mga numerong 1, 19 at 28 ay kusang magkakaroon ng magagandang kapalaran, lalo na sa pagtuntong ng edad nilang may sumang one (1) rin (tulad ng mga edad na 19, 28, 37, 46, 55 at iba pa). Tulad din ng edad mong 28, tiyak ang magaganap, may mabunga at produktibong pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran. Sa sandaling nakapangibang-bansa ka na, kasabay nito ay tuluy-tuloy na ring uunlad at lalago ang iyong kabuhayan.
Dapat Gawin
Habang, ayon sa iyong mga datos, Mercy, hindi ka maiinip, habang umuusad ang bungad ng taong 2020, ngayong Enero hanggang Pebrero, sa edad mong 28 pataas, itatala sa iyong karanasan ang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa sa UAE, sa mismong capital nitong Dubai.




Comments