top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Baclig at Malonzo, mga paborito na Draftees sa PBA D-League

  • A. Servinio
  • Jan 22, 2020
  • 2 min read

Nanggulat ang AMA Online Education sa pagpili nila kay Reed Baclig, isang kasapi ng kanilang Junior Titans varsity, bilang pinakaunang manlalaro na napili sa 2020 PBA D-League Draft sa opisina ng liga sa Quezon City Lunes nang hapon. Agad hindi nag-aksaya ng panahon ang Marinerong Pilipino na kunin si Jamie Malonzo ng De La Salle University, ang sinasabing mabigat na paboritong mapili ng numero uno sa mga nakaraang araw.

Kinuha ng bagong talagang coach na si Jeff Napa ng Karate Kid-CEU si Gilas candidate JD Tungcab ng University of the Philippines. Sinara ng Wang’s-Letran ang unang round kay Shamasneh Banez, isa sa mga reserba ng Knights.

Bilang nag-iisang club team sa 12 lalahok sa 2020 PBA D-League Aspirants Cup, namayani ang Marinero sa pagpili ng mga mahusay na manlalaro na maaring samahan sa Malonzo tulad ng mga kapwa galing DLSU na sina Joshua Torralba at Jollo Go, Daniel Spencer ng UP, Judel Ric Fuentes ng CEU, Shane Menina ng University of Cebu, Yves Sazon ng Philippine Christian University, Miguel Gastador ng University ng San Jose-Recoletos, Marcus Ejercito ng San Beda University at Rendell Senining ng FEU.

Namuhunan sa mga malalaki ang Karate Kid matapos tawagin sina John Apacible ng UE at J-Boy Gob ng UP. Ang iba pang mga bago sa koponan ay sina Jamil Bulawan, Darriel Bayla, Joseph Gabriel Pineda, Daryl Pascual, Ivan Jose at si Jerie Pingoy ng Adamson na kinuha sa ika-10 round.

Ginamit ng AMA ang halos lahat ng pagkakataon na kunin ang mga manlalaro nila ng high school maliban sa Round 10 kung saan pinili si Eduardo Kapunan o mas kilala bilang rapper na si Young JV. Tumigil ang tatlong iba pang koponan pagkatapos ng Round 11 at mag-isa na lang ang AMA sa nalalabing 9 na round.

Ang Wang’s-Letran ay huling naisama sa draft at gaya ni Banez, mga bagong Knights na hindi pa nakalalaro sa D-League ang kinuha nila sa pangunguna ni Kenny Rogers Rocacurva ng Cebu. Ang iba pa nilang pinili ay sina Kobe Monje, Paolo Javillonar at Jayson Bondoc. Ang 2020 PBA D-League Aspirants Cup ay magbubukas sa Pebrero 13. Ang iba pang mga lalahok na koponan ay EcoOil-DLSU, FEU, Mapua University, UST, Diliman College, Technological Institute of the Philippines, San Sebastian College at Enderun Colleges.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page