Pacman, kinukulit ni McGregor nang magwagi kay Cerrone
- Gerard Arce
- Jan 21, 2020
- 2 min read

Pursigido si two-division UFC champion Conor McGregor na muling makatuntong sa boxing ring upang makamit nito ang isa pang kagustuhan sa larangang ewan lang kung makagagawa siya ng pangalan – ito ay ang title belt sa boxing.
Naging matagumpay muli sa kanyang pagbabalik octagon ang 31-anyos na Dublin, Ireland-native matapos pabagsakin si Donald “Cowboy” Cerrone sa loob ng 40 segundo lamang sa unang round ng non-title main event match sa UFC 246 noong Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Pilipinas) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada sa US. “I want to box again. I will box again. I will get a boxing world title,” pahayag nito sa panayam ni Ariel Helwani.
Ngunit, hindi pa rin nakakausad ang nabansagang “The Notorious” ng mixed martial arts sa pagkatalo kay undefeated-retired Floyd “Money” Mayweather sa pamamagitan ng 10th round TKO loss noong Agosto 26, 2017 sa Las Vegas. Hindi naman naiwasan ni McGregor na muling hilingin na makadaupang-kamao niya si Mayweather.
“I’d like to rematch Floyd, I think we should rematch Floyd,” wika nito sa interview sa kanya ng ESPN. “He’s flirting with it and he can go and rematch someone else but it won’t be the same. I did phenomenal in the bout and the only reason I lost is because I prepared for a back footed, Philly shell kind of opponent. When the fight was like that I was picking him apart. Then he started pressing forward and I wasn’t sinking into my shots like I am now. I know I can beat Floyd if we rematch. Well, when we rematch,” dagdag nito.
Isa ang laban nila ni Mayweather na naging malaki ang kinita sa mundo ng boxing nang kumana ang mga ito ng $4.3 million pay-per-view buys, ikalawa sa Mayweather-Pacquiao na bumanat ng $4.6 million. “I did do well (against Mayweather). I won rounds and hit him more times than anyone. I hit him more times than Manny hit him. And with small adjustments in the prep and with an understanding of that style he’s coming at me with, now I think I’d beat him,” esplika nito.
Samantala, walang nakapigil sa muling pagbabalik ni dating UFC champion McGregor nang iparamdam nito ang isang mabilis na knockout victory laban kay Cerrone sa kanilang main event fight sa UFC 246.
Naitala rin ni McGregor ang ikalawa sa pinakamabilis niyang KO win sa pamamagitan ng 40 seconds stoppage kay Cerrone matapos ipatama nito ang kaliwang leg kick na nagpatumba sa kalaban at tapusin sa pamamagitan ng sunod-sunod na suntok. Ang pinakamabilis nito ay nung pabagsakin niya si Jose Aldo sa 13-secs lamang na oras para sa featherweight title noong Disyembre 2015.
“Etch my name in history one more time,” pahayag ni McGregor, na siyang ikatlo na may TKO sa mga fighters sa 170-pounds o lighter na may walo. “For the Irish people. For my mom back home.”
Ito marahil ang magandang pagbabalik ng 31-anyos na mula sa Dublin, Ireland matapos itong magretiro noong isang taon kasunod ng huling laban nito kay Khabib Nurmagimedov noong Oktubre 2018 para sa lightweight championship. Naging laman din ng kontrobersiya ang dating two-time champion matapos ang panununtok sa isang bar sa Ireland at dalawang sexual harassment na kaso nito.





Comments