top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Motorcycle taxi, tinuluyan na ng DOTr

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 21, 2020
  • 1 min read

Matapos ang tila laban-bawi sa operasyon ng mga motorcycle taxi, heto at may panibagong desisyon kaugnay dito.

Simula sa susunod na linggo, huhulihin na ang mga motorcycle taxi tulad ng Angkas, Joy Ride, Move It at iba pa na patuloy na bibiyahe.

Sa pagharap sa Senado ni retired Maj. Gen. Antonio Gardiola, pinuno ng technical working group ng Department of Transportation (DOTr), inamin nitong napakaraming isyu na hindi mahanapan ng solusyon, lalo na ang legalidad ng pamamasada ng mga motorsiklo kaya nagdesisyon silang ipatigil na lamang ito.

Pinalagan naman ng ilang mambabatas ang pasyang ito na anila’y biglaan.

Kung ganitong kinansela na ang legalidad ng mga motor na namamasada, parang tinapos na ang usapin at hindi na nabigyan ng pagkakataon ang gobyerno na mapag-aralan ito at makapaghain ng panukalang magiging mas malinaw at patas sa parehong panig.

Ngayon, kung tuluyan na silang ipagbabawal, nakababahala na totohanin naman ang banta ng ibang riders na bumalik sa ilegal. Sa ganitong isyu, hindi lang sila ang malalagay sa alanganin kundi maging ang kanilang pasahero.

Sa totoo lang, mahirap na itong mapigilan lalo na at may mga komyuter na ang tingin sa kanila ay solusyon sa malalang trapik. Kaya hindi rin sila maaawat na ‘wag tangkilikin ang mga motorcycle taxi at tiyak na gagawa at gagawa ng paraan ang mga ito na makadiskarte.

Kaya malaking hamon sa gobyerno kung paano ipatutupad ang kautusan nang hindi magdudulot ng gulo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page