top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

MMFF movie, kahit 'di nag-No. 1… Vice, wa' na paki sa career basta may Ion

  • Erlinda Rapadas
  • Jan 21, 2020
  • 1 min read

Photo: @praybeytbenjamin

At the age of 43, nakamit na halos lahat ng comedian at TV host na si Vice Ganda ang kanyang mga pi­napangarap sa buhay.

Naging sikat siyang comedian at na­ging box office hits ang kanyang mga inilahok na pelikula sa taunang MMFF sa loob nang ilang taon. Successful ang kanyang mga concerts, maraming product endorsements at mga shows abroad.

Financially stable na rin siya ngayon at nakapagpundar na ng milyones na pro­perties. So, ano pa nga ba ang puwede ni­yang hilingin sa buhay kundi magkaroon na lang ng maligayang love life?

Timing ang pagdating ni Ion Perez sa buhay ni Vice, ang lalaking itinakdang makasama niya. Swak din sila kahit na 14 years ang agwat ng edad ni Vice sa kanyang BF.

Finally, natagpuan na rin ni Vice ang kanyang ‘the one’ sa katauhan ni Ion ka­ya kahit medyo nasilat siya sa pagiging number one at top-grosser sa nakaraang MMFF 2019, still, hindi ‘yun gaanong nakaa­pekto sa It’s Showtime host.

Sa ngayon, love life at hindi career ang prayoridad ng sikat na comedian-TV host. Nara­ting na kasi niya ang peak ng kanyang career.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page