top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Hala, hala, hala! Iba na this, Julia! Coco, gustong kapit na kapit si Yassi sa muscles niya habang

Beth Gelena
Jan 21, 2020
1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Magkasamang endors­er ng bagong scooter sina Coco Martin at Yassi Pressman.

Kilig na kilig ang mga fans ng dalawa nang sina­bi ni Yassi na dapat ay mag­­ti­wala ang mga uma­ang­­kas sa motor sa nagda-drive.

Sambit naman ni Co­co, “Kaila­ngang nakakapit siya sa mala­king mus­cles ng nagmamaneho.”

Lalong naghiyawan at nagpalakpa­kan ang mga fans dahil sa sinabi ng aktor.

Nag-duet pa sina Coco at Yassi ng Ka­hit Maputi Na Ang Buhok Ko.

Isang kaibigan namin na avid fan nina Coco at Julia Montes ang nag-react sa ikinikilos ng dalawang Kapamilya stars. Natatawa kami habang nagkuku­wento siya.

Aniya, “Hala! Papaano na ang idol kong si Julia? Babalik pa naman na siya sa showbiz?”

Sana raw ay hanggang showbiz lang ang sweetness ng gumaganap na mag-asawang Alyanna at Cardo sa Ang Pro­binsyano at hindi sa totoong buhay.

Payo na lang namin sa kanya, mag­hintay-hintay lang dahil baka mag­katrabaho rin sina Coco at Julia sa pag­babalik ng aktres.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page