top of page
WINNER - ALEX, INILANTAD NA ANG PAGBUBUNTIS-IG _cathygonzaga.jpg

Liligaya sa panaginip na palaging pumupupu, pero pinapayuhang umiwas gawin ang bawal

  • Socrates Magnus
  • Jan 20, 2020
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Ronna ng Ronna_Amorcse@facebook. com

Dear Professor, Ano ang ibig sabihin na palagi akong nananaginip ng dumi, ‘yung dumudumi, ganu’n? Palaging dumi ang napananaginipan ko at minsan, ako ‘yung dumudumi.

Naghihintay, Ronna

Sa iyo, Ronna, Alam mo, maraming bagay sa mundo ang pinanggagalingan ng ligaya. Ang una ay ‘yung ang tao ay nagsikap at siya ay umasenso kaya siya ay lumigaya. Ang iba naman, walang ginawa sa buhay nila, pero sinuwerte kaya sila ay lumigaya.

Mayroong isang medyo kakaibang paraan na nagbibigay sa tao ng kaligayahan, ito ay ang paggawa ng hindi pangkaraniwan o hindi sa regular na paraan.

Ito ang proseso ng pagdumi ng tao, siya ay nakadarama ng kaligayahan sa kanyang pagdumi. Bihira ang nakaiisip ng ganitong katotohanan, pero kahit ikaw ay tiyak aamin na sa iyong pagdumi ay nakadarama ka ng ligaya.

Ang kaligayahang nakukuha sa pagdumi ay kaligayahang hindi pangkaraniwan. Kumbaga, ang kaligayahan ay dapat mula sa maayos na paraan at hindi dapat kaugnay ng dumi o marumi.

Maaaring mabigla ka sa susunod na katotohanan na sa pakikipagrelasyon ay may ligaya sa bawal kung saan ang bawal ay napabilang sa mga hindi dapat at hindi ito regular na paraan.

Ito ang mensahe ng iyong panaginip, sa maniwala ka o hindi, kailangang malaman mo na ang kaligayahan ay minsang nasa mga bawal. Dahil bawal, kung puwede ay huwag gawin ng tao kaya kung makita mo na parang nangyayari na ang payo, umatras ka na. Hindi masama ang umatras, ang masama ay ang gumawa ng bawal.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page