Ginastusan nang todo, 'di nagbago, suko na raw siya… Ibinulgar ni Ai Ai: Jiro, nasa rehab na, tu
- Vinia Vivar
- Jan 20, 2020
- 2 min read

Naging emosyonal si Ai Ai delas Alas kahapon sa video na ipinost niya sa kanyang Instagram account tungkol sa sinapit ng anak-anakan niyang si Jiro Manio.
Matatandaang si Ai Ai ang unang tumulong kay Jiro noong 2015 nang makita ito ng mga tao na palabuy-laboy sa Ninoy Aquino International Airport.
Sa video ay ikinuwento ni Ai Ai ang mga nangyari simula nang tulungan niya ito. Kitang-kita ang kalungkutan sa Comedy Queen habang nagsasalita at bandang huli ay napaiyak na.
Simula ni Ai Ai, marami raw ang nagtatanong sa kanya kung ano na ang nangyari sa pagtulong niya kay Jiro at nagkaganito na naman kaya minabuti niyang sa kanya na manggaling ang buong istorya.
Ikinuwento ni Ai Ai na ipinasok niya ang dating child actor sa rehabilitation center sa Quezon City matapos makitang palabuy-laboy sa airport. Sinagot niya ang gastos na medyo malaki-laki rin daw at nasa P60,000 a month.
Nang makalabas sa rehab ay pinayuhan niyang bumalik sa pag-aartista si Jiro dahil magaling naman itong aktor at ito rin ang paraan para makapagbagong-buhay siya.
Ikinuha pa niya ng condo si Jiro para makapagsimula ulit sa showbiz. First project daw dapat nito ay ang life story sa Magpakailanman at pumirma pa nga sila ng kontrata. Pero hindi natuloy ang proyekto dahil sa pabagu-bagong isip ni Jiro. Bukod dito ay marami raw itong itine-text sa kanya na kung anu-ano which made her realize na mukhang hindi pa magaling ang aktor.
“Ano ba ‘yung dating itinext niya na naloka ako, na mag-a-align na ang Pluto sa Mars,” kuwento ni Ai Ai.
Kaya naisip daw niyang ipasok ulit ito sa rehab and this time ay sa Bataan na. Akala raw niya ay gagaling na ito sa pangalawang rehab. Pero nang mabalitaan niyang nagma-marijuana ulit ito, dito niya naisip na mukhang wala na talagang pag-asa si Jiro.
“‘Yun ‘yung time na sabi ko, ‘Wala na ‘to.’ Parang pakiramdam ko, ‘yung lahat ng ibinuhos kong effort, lahat ng ibinuhos kong tulong, pangaral, suporta sa pamilya, parang natapon na lang nang ganu’n. Kasi, nasa rehab ka, ba’t ka nagma-marijuana? So, parang ang dating sa akin, parang napagod na ako,” pahayag ni Ai Ai.
Dahil nga nawalan na siya ng pag-asa ay hindi na siya nakipag-communicate pa sa aktor. Hanggang sa ito na nga ang nabalitaan niya — inaresto ang anak-anakan dahil nakasaksak.
“So, ako, bilang nanay-nanayan niya, siguro naman, alam ng nasa Itaas kung ano’ng effort ang nagawa ko at naitulong ko sa kanya, na sana, pinahalagahan niya.
“And sana, ‘yung pamilya niya rin, kahit paano, sinuportahan siya sa lahat ng bagay. Siguro, hindi siya ngayon nandito sa ganyang sitwasyon,” ang naiiyak na sabi ni Ai Ai.
Sa ngayon, ang magagawa na lang daw niya siguro ay ipagdasal ang aktor at sana raw ay malampasan nito ang pinagdaraanang problema.




Comments