'Di raw na-traffic, 2 oras na biyahe, naging 15 mins. na lang… Komedyanteng si Jo Koy, proud na
- Ronalyn Seminiano
- Jan 20, 2020
- 1 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Nakakalungkot na tila may pinapanigan talaga minsan ang batas sa ating bansa. Nagtitiis ang karamihan sa atin na maipit nang halos tatlong oras sa kalsada dahil sa matinding trapiko. Ang nakakalungkot pa, maraming nag-aagaw-buhay sa ambulansiya na hindi nadadala agad sa ospital nang dahil dito. Kaya nakakalokang makakita ng mga pulis na gumagamit ng wang-wang para lang maihatid ang mga piling tao katulad na lang ng komedyanteng si Jo Koy.
Nakita namin sa Twitter ang ipinost na video ni Jo Koy noong Jan. 17 kung saan in-escort-an siya ng mga pulis para sa event niya.
Malinaw sa ipinost na video ni Jo Koy na gumamit ng wang-wang na akala mo’y siga ng kalsada ang dalawang pulis na nakasakay sa motor na nag-escort sa kanya habang ang ilan nating kababayan ay nagtitiis sa trapiko. Ang isang pulis, pagewang-gewang pa ang pagpapaandar ng motor para mabilis silang mabigyan ng daan.
Caption pa ni Jo Koy sa video, “We’re in Cebu now and we have police escort getting through.. This is crazy! Right in the middle!”
Sabi pa ni Jo Koy habang nakatutok ang camera sa dalawang pulis, “Cebu Police escort cuts a 2 hour drive to my hotel into 15 minutes. I love the Philippines!”
Umani ng napakaraming pambabatikos mula sa mga netizens ang nasabing video. Ito marahil ang dahilan kaya binura ng komedyante ang kanyang video.
Mapapailing ka na lang talaga sa mga sigang pulis. Ganito ba ang protocol sa kanila? Sana, sila na nasa posisyon ang mangunang sumunod sa batas! Ano pa ang aasahan sa mga nasasakupan nila kung sila mismo ay HINDI MARUNONG SUMUNOD SA BATAS?





Comments