5 yrs. nang hiwalay, binabalikan ng asawa, hirap mag-decide dahil wala nang feelings
- Roma Amor
- Jan 20, 2020
- 1 min read

Dear Roma, Ako si Lynda, 33 years old. Hiwalay na ako sa dati kong asawa at may 2 kaming anak. Limang taon na kaming hiwalay at nasa high school na ang aming mga anak. Ngayon, gusto niyang bumalik sa amin dahil gusto niya raw na maging maayos ang aming pamilya. Nagdadalawang-isip ako kung pababalikin ko siya o hindi na dahil hindi ko na siya mahal at nakayanan naming mabuhay nang wala siya, ngunit, iniisip ko pa rin ang mga anak ko. Ano ang gagawin ko? – Lynda
Lynda, Mahirap makipagbalikan sa taong hindi mo na mahal. Pero kung iisipin mo ang mga anak mo ay siguradong hindi ka mahihirapan dahil maibibigay mo sa kanila ang kumpletong pamilya at mararamdaman nilang walang kulang sa kanila. Hayaan mong lumipas ang panahon at baka sakaling manumbalik muli ang pagmamahal mo sa iyong asawa kahit ilang taon na kayong nagkahiwalay. God bless!





Comments