Tulong-medikal ng SM sa mga biktima ng Bulkang Taal
- Thea Janica Teh
- Jan 19, 2020
- 1 min read

Bulgarific
Hello, Bulgarians! Dahil sa pagputok ng Bulkang Taal kamakailan ay maraming pamilya mula sa Batangas, Tagaytay at Cavite ang nawalan ng kabuhayan at bahay. Kaya naman minabuti ng SM na magkaroon ng 3-day Oplan Tulong Express medical mission.
Ito ay matatagpuan sa Batangas at Lipa ngayong January 17 hanggang 19, 2020. Dalawang mobile clinics ang kayang magbigay ng tulong-medikal sa halos 1,200 katao tulad ng x-ray, ECG, nebulizer at oxygen.

Bukod pa rito, namahagi rin ang Toy Kingdom ng mga laruan sa mga batang nasa Lipa at Batangas City para magbigay-saya at makalimutan ang masalimuot na nangyari sa pagputok ng Bulkang Taal.

Nakasama rin sa pagbibigay ng tulong-medikal si Elevator Girl sa Lipa at Batangas City. Isa lamang ito sa mga proyekto ng SM Group relief and recovery para sa mga komunidad na nasalanta ng Bulkang Taal.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments