May nakatinginan nang masama?… Jiro, nanaksak, kulong
- Nitz Miralles
- Jan 19, 2020
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Ano na ang nangyari sa former child actor na si Jiro Manio?
Nakakaawang tingnan ang photo nito na kinunan ng mug shot at nakasulat ang pangalan sa isang presinto sa Marikina City dahil nanaksak daw kaya hinuli.
Sinampahan si Jiro ng kasong “alleged frustrated murder” ni Zeus Doctolero na sinaksak daw ng aktor pagkatapos mag-away sa isang lugar sa Marikina City.
Ang depensa ni Jiro, siya ang unang sinaktan ni Zeus gamit ang helmet.
Hindi nabanggit ng Dobol B sa News TV kung ano ang pinag-awayan ni Jiro at ng nakasagupa niya o dahil lang nagkatinginan na pareho nilang minasama.
Sayang si Jiro, magaling na aktor at award-winning, tapos dumaan sa problema at ngayon, wala na sa showbiz. Minsan siyang tinulungan ni Ai Ai delas Alas, pero parang nag-give-up na rin sa kanya ang Comedy Queen.





Comments