Lahat daw gagawin mapansin lang dahil walang show… Nadine, todo-paseksi, binanatan sa kulubot na kil
- Janice DS Navida
- Jan 19, 2020
- 1 min read

Naba-bash na naman sa socmed si Nadine Lustre dahil lang sa kanyang sexy pose na naka-bikini na ipinost niya sa kanyang Instagram account.
In fairness, ang hot at super sexy naman ni Nadine sa dalawang photos na ipinost niya, pero mema pa rin ang ilang netizens kaya imbes na ang hotness ng GF ni James Reid ang mapansin ay mas nabigyan pa ng atensiyon ang kilikili niyang anila ay kulubot at hindi makinis.
Dyusko, tao lang naman si Nadine at hindi mannequin. Alangan namang wala siyang imperfections, ‘di ba?
Sana lang ‘wag nang magpaapekto ang aktres dahil kung sensitive siya, tiyak na ikade-depressed niya ang pamba-bash ng mga netizens.






Comments