top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Aktor, babu kay Ellen… John Lloyd at Shaina, together again?

  • Beth Gelena
  • Jan 19, 2020
  • 1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Tulad ni Julia Montes, tuluyan na ring magbabalik-showbiz si John Lloyd Cruz.

Matagal na nagpahinga si Lloydie nang piliin niyang mamuhay nang tahimik kasama si Ellen Adarna at binigyan naman sila ng anak na lalaki.

Nakakagulat lang na sa kanyang pagbabalik, ang ex-GF niyang si Shaina Magdayao ang makakapareha ng magaling na aktor.

Ang titulo ng movie nila ay Servando Magdamag na ididirek umano ni Lav Diaz. Ito ang magiging first offering ng Star Cinema ngayong 2020.

Marami kaya ang ma-excite sa pagbabalik ni Lloydie gayung hindi ang kanyang favorite ka-love team na si Bea Alonzo o si Sarah Geronimo ang katambal niya sa movie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page