Ang magliligtas sa kapahamakan ng puso na unti-unting namamanas. Ang magbabawas sa bigat ng bakal na sa sarili’y itinarak.
Nasa palad na ang solusyon.
Marahan na inalis ang busal sa bibig na pumigil sa pagbawas ng inipong himala na kay mahal-mahal at kabanal-banalang dinasalan na tubig.
Usal niya ang “sa ngalan ng langit at Diyos, ako ay naniniwala at nananalig.” Walang patid habang inihahalo ang agua sa baldeng dati’y puti.
Bininyagan ang sarili na patuloy pa rin, “sa ngalan ng langit at Diyos, ako ay naniniwala at nananalig.” Nasaid ang agua sa ritwal, bilang panlinis kalawang.
Sa nangangarag na kaluluwang halang. Bibili muli para sa pag-asang naaalis ang lansang yumayakap sa kaluluwa, ngunit hindi.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!