top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Libu-libong biktima ng bagyong Ursula, nabigyan ng tulong ng PAGCOR

  • Thea Janica Teh
  • Jan 18, 2020
  • 2 min read

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Kamakailan lamang ay nagbigay ng tulong ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa mga kababayan nating naninirahan sa Northern Iloilo, Occidental at Oriental Mindoro na nasalanta ng Bagyong Ursula noong Pasko.

Nagdala ng 2,000 food packs at 1,000 non-food items ang relief operation ng PAGCOR sa bayan ng Balasan, Batad, Estancia at Carless sa Northern Iloilo at Gigantes Island sa Carles.

Apat ang nakumpirmang namatay sa bayan ng Balasan dahil sa pag-collapse ng earthen water reservoir na nagbibigay ng tubig sa 400 hectares agricultural land. Isa sa mga namatay ang asawa ni Rebecca Franco dahil sa pagkalunod nang sagipin nito ang mga alagang kambing ng kanilang kapitbahay.

Namigay din ang PAGCOR ng 2,250 relief packs sa bayan ng San Jose, Calintaan at Rizal sa Occidental Mindoro, samantala, 750 relief packs naman ang ibinahagi nito sa bayan ng Bulalacao, Oriental Mindoro.

Ayon kay Occidental Mindoro Provincial Administrator for District II Jose Franco Mendiola, ang Southern part ng Mindoro Island ang lubhang naapektuhan ng Bagyong Ursula. “Sa sobrang lakas ng hangin ay nawalan ng kuryente at nasira rin ang mga kabuhayan ng mamamayan.

Maraming palayan at kabahayan ang nasira. Kaya naman, nagpapasalamat kami sa PAGCOR sa pagbibigay ng relief goods sa mga Mindoreños”, dagdag pa niya.

Base sa report ng National Disaster Risk and Reduction Management Council (NDRRMC), halos 2.1 milyong katao ang naapektuhan sa Bagyong Ursula mula sa 2,000 barangays sa Regions V, VI, VII, CARAGA at MIMAROPA. Bukod pa rito, umabot din sa Php1 bilyon ang halagang napinsala ng bagyong ito kabilang ang mga nasirang kabuhayan, eskuwelahan, public structure at health facilities.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page