Holdaper, sugatan sa shootout
- Pabs Hernandez III
- Jan 18, 2020
- 1 min read
QUEZON — Sugatan ang 18-anyos na holdaper nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Gulang-Gulang, Lucena City.
Ang suspek na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa hita ay nakilalang si Oliver Aguilar, residente sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, nilooban ni Aguilar at dalawa pa niyang kasamahang holdaper ang bahay ng pamilya Almendras sa Bgy. Bocohan sa nasabing lungsod.
Nang makaalis na ang mga suspek ay agad nag-report sa pulisya ang pamilya at dahil dito ay tinugis ang tatlo at nang maabutan ay binaril ni Aguilar ang mga awtoridad.
Gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya tinamaan at nadakip si Aguilar.
Samantala, narekober ang mga gadgets, alahas ng mga biktima at ang baril na kalibre .38 revolver ng suspek, samantalang pinaghahanap ng pulisya ang dalawang nakatakas na holdaper.





Comments